Maraming pagkakaiba ang noon at ngayon.
Maraming magulang ang ikinukumpara ang noon sa ngayon.
Pero marami ba talaga ang nagpakain na sa sistema ngayon?
Ang pagsabi ng po at opo ay nakaligtaan na.
Ang pagmano sa mga nakakatanda ay nakalimutan na.
Pagtulong sa mga nangangailangan ay may kapalit na.
Ang mga kabataan ngayon sa sistema'y nagpakain na.
Telepono ang hawak, imbis na libro.
Inuuna ang kausap kaysa sa trabaho.
Kaya marami tuloy magulang ang sumasakit ang ulo.
Marami ng kaugalian at kabataan ang nagbago.
Wika ni Rizal "KABATAAN ANG PAGASA NG BAYAN."
Pero nasa puso't isip pa ba natin yan?
Maraming kabataan ang nakatambay lang dyan.
Hindi nag aaral at gumagawa pa ng ilegal.
Kabataan paba ang pag-asa ng bayan?
Kung marami ang maagang nanganganak na kababaihan?
Kung maraming ilegal ang kinakasangkutan ng mga kalalakihan?
Kung manamit at magmake up ang mga kabataan, ay parang wala ng kinabukasan?
Nakukuhang magpost ng malalaswang litrato sa facebook
Ngunit simpleng actividad, Hindi masagutan sa notebook.
Akala mo kung sinong maganda at kilala sa facebook.
Pero pag dating sa eskwelahan walang alam at hindi makasagot.
Nasaan na ang pag-asa ng bayan?
Nasaan na ang mga tulad kong kabataan?
Kung wala sa bahay ay nasa galaan.
Pero dapat nag-aaral at nasa eskwelahan.
Nagpakain na ba talaga ang mga kabataan sa sistema?
Maraming kabataan ang adik sa K-Drama.
Marami ding naaadik sa ilegal na droga.
At ang ilan naman ay adik sa maseselang programa.
Kabataan ang pagasa ng bayan.
Ngunit, parang tayo ang sumisira sa sarili nating bayan.
Mga kabataan na dapat ay nasa paaralan at wala sa gimikan.
Maging kabataan na may pangarap at patutunguhan.
Huwag magpakain sa sistema.
Patunayan na totoo ang iniwika nya.
Na tayong kabataan ang pag-asa ng sarili nating bayan.
HUWAG MAGPAKAIN SA SISTEMA, MAG-ARAL AT MAGSUMIKAP
PARA SA ATING INAASAM NA PANGARAP.
NAGPAKAIN NA BA TALAGA ANG MGA KABATAAN SA SISTEMA?
05 / 02 / 2018
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
Your steem friend,
-Niño M.-
naiintindihan ko ang iyong saluobin...