Buhay OFW: Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

images (28).jpg

"Buhay OFW"

Pasensya mga anak kung kailangan kung lumisan,
Pasensya kung ibang bata aking ina-alagaan,
Pasensya kung paglaki nyo ay diko na subaybayan,
Ginawa ko lang ito para sa inyong kinabukasan,
Para matustosan ko ang inyong pangangailangan,
Diko to ginusto pero para ito sa inyong kabutihan,
At sanay akoy inyong maunawaan,

Lumipas ang mga taon kumusta na kaya kayo?
Lage akong tumatawag pero di nyo tinatanong kung kumusata narin ako,
Pero titiisin ko lahat para sa inyo,
Kahit nahihirapan na kayoy itataguyod ko,
Hintayin nyo lang ako anak uuwi rin ako,
At sana sa paliparan ng eroplano akoy salubungin nyo,

Dumating na ang araw at akoy uuwi na,
Anang bayan akoy pabalik na,
Mga anak pauwi na si mama,
Tapos na sa pag-aaral si bunso, ate at kuya,
Nagtaguyod ko rin kayo kahit kalahati ng katawan ko ay patay na,
Mga paghihirap ko rin ay tagumpay na ng nagbunga.

thank you for reading

Best regards,

@englybird