RELIHIYON: A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago (edited)

images (17).jpg

"Relihiyon"

Marami nang paniniwala ang nabuhay dito sa mundo,
Pero sa lahat-lahat ano? At sino? ang totoo?
Diba isa lang naman ang dapat na sinasamba?
Pero Ba't nagtatalo-talo pa? Yun bay kailangan bah?
Meron Pare at merong Pastor,
Oo maraming totoo pero meron paring impostor,
Pag sisilbi sa diyos ginagawa ng negosyo,
Makatao at makadiyos ba yang mga ginagawa niyo?

Paglilingkod sa nakatataas ginagawa ng negosyo ng ibang tao,
Tumatanggap na pala ng sahod ang kanyang serbisyo,
Kung kayo ang taga singil nasan ang resibo?
Hindi pwedeng kusang loob kailangan may pursyento,
Kasi pampagawa daw ng simbahan matibay kaya kailangan kongkreto,
Kailangan daw ng pera para pampagawa sa bahay ng diyos,
Pero obligasyon bang magbigay kahit kinakapos?
Tinatanong pa nila magkano ang yung sahod,
Ang yung sinasahod sa kanila umaanod

Dami nang taong binulag ng pera,
Maski diyos dina sinasamba,
Pero bakit ba kayo ganyan?
Ang dami ko na tuloy tanong saking isipan,
Na diko na masagot buong araw kumang titigan ang bibliya na tao lamang ang may katha,
Sa dinami-dami ng relihiyon itoy totoo pa kaya?

Salamat po sa pagbasa lahat ng to ay basi lang sa makulit at curios kung pag iisip, Thank you for reading hope you enjoy it

Best regards,

@englybird

Sort:  


here.Congratulations, you were selected for a random upvote! Follow @resteemy and upvote this post to increase your chance of being upvoted again! Read more about @resteemy