Note:
3rd poem written in Filipino language. This was already posted in my page on facebook, Leero de Pepperoni
Gaya ng sigarilyo, nakadepende ako sa iyo,
Nakadepende ang buong sistema ko sa iyo.
Lason ka mang maituturing
Pero sa pang-araw-araw ay 'di kita kayang alisin.
Almusal, tanghalian, hapunan nandiyan ka.
Hindi nakukuntento sa isang hithit lang kaya sumisige pa.
Kahit na alam kong pinapadali mo ang buhay ko,
Bakit 'di pa rin kita maalis sa isipan ko.
Tulungan mo ako.