"Buhay Guro" Sa panulat ni "Michika"

in #poetry7 years ago (edited)

Puno ng dunong
Gurong marunong
Angking kabutihan
Di maagaw ninuman

Apat na sulok ng silid
Kanyang ipipinid
Maituro ang kaalaman
Pati asal na kagandahan
Hindi alintana ang pagod
Gurong kailangang kumayod
Tatanawin ang pag-asa
Ng mga batang umaasa

Sa kanyang pangarap
Bata ay haharap
Sa tagumpay ng buhay
Husay ang taglay

Lilipas ang panahon
Lilikas ang tugon
Alaala ng noon
Maiiwan hanggang ngayon. . . .
381293_300811519942627_316653989_n.jpg

Sort:  

@jasminmesias magandang tula po para sa mga guro.

Tangan-tangan ang kaniyang chalk
Mga turo niya minsan ay may pagsubok
Minsan kinaiinisan, minsan kinagigiliwan
Yan ang halaga ng isang ikalawang magulang.

Salamat sa paglikha ng Tagalog na tula :)

@tagalogtrail salamat din po..ako'y isang guro kaya ito ang una kung ginawa para sa una kung blog sa steemit..

Ipag-patuloy nyo lang po iyan ang pag gawa ng mga post orihinal na likha dito sa steemit at siguradong magiging ayos ang lahat.

Hello there @jasminmesias. I hope you enjoy your stay here. If you need help with anythng please let me know in hour Facebook group chat :) see you around. Awesome Poem by the way keep it up!

Tnx..@ankarlie,.for the warm welcome and for appreciating my poem..

Woah! Nice poetry! And you're also a teacher in Letran 😊