"Bakit Mo Ako Iniwan?" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago


Noong una tayong nagkakilala,
Masaya tayong magkasama,
Walang lungkot at kaba na inaalala,
Basta’t ikaw ang kasama.

Naglalaro tayo sa damuhan,
Naghahabulan sa may halamanan,
Nagniningning ang ating mga mata,
Naglalambingan na parang bata.


Pinupuntahan mo ako sa amin,
Hinihintay habang nakatingin sa salamin,
Yayayain sa labas para kumain,
Susubuan ng kahit anong kakanin.


Masaya tayo diba?
Tayo hanggang sa huli diba?
Pero, anong nangyari sa atin?
Sa relasyon natin.


Nagbago ka.
Ako’y nagtaka.
Ang kasiyahan na parang musika,
Ay naglaho na parang bula.


Hindi ka na nagparamdam.
Marami na akong agam-agam.
Tumitingin na lamang sa kawalan.
Nagtatanong, BAKIT MO AKO INIWAN?


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

and Here are my English Poetries

Hanggang sa Muli

Photocredits : 1 2

Sort:  

Nice poetry...had to translate before i can read
Good write up...keep it up

Bahasa apa ini

What a nice poetry you have here sir, its been a while since I have read poetry and for my surprise it is in tagalog. I remember the days where we are presenting and reciting poetry in front of the class, funny how time have passed. Keep it up sir! Galing.

May hugot po talaga sir @jassennessaj! Galing!

Grabeha jud aning master @jassennesaj hugot kaau eyyyy :D hihi