"Hinahanap Kita Palagi" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Hinahanap Kita Palagi"


Lagi kitang naiisip, maging sa panaginip
Kapag ika'y nakikita nawawala ang inip
Naisin ko mang alisin ang iyong mukha
Sa isip ko'y hindi ko talagang magawa

Oh bakit ba ako nagkakaganito
Nagsimula ito ng mahulog sayo
Walang oras na hindi ka naaalala
Walang minutong hindi ako nag-aalala


Araw - araw, "Hinahanap Kita Palagi"
Gusto ng puso'y kapiling ka palagi
Kasi napapagaan ang aking damdamin
At napapanatag dahil ika'y nasa akin


Baliw na kung kanilang sasabihin
O nadadala lang ba sa bugso ng damdamin?
Kailangan ba ng panahon para ito'y damhin?
At maisipan ng sa huli walang taong sisisihin?


Ngunit ako'y sigurado sa nararamdaman ko
Siguradong-siguradong pagmamahal na ito
Paninindigan hanggang humantong sa huli
Sa altar ng simbahan kung saan tayo'y nakangiti


Marating sana ang tulang ito sa iyo
Marinig din at ito'y madama mo
At maiparating na maisipan mong maigi
na mahal kita at "Hinahanap kita Palagi"


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakayahan.

Anong nakikita nyo sa tula ? :)

Photocredits : One Two

Sort:  

Mahal kita at hinahanap hanap kita palagi....ganda!

Wow. Indeed :) Thanks for dropping by awisdom !


♫♪♫Hinahanap hanap kita! ♪♫♪Ang galing mo talaga @jassennessaj ! Ewan ko pero napapakanta ako sa tula mo..

Thank you for making me smile! ♫☺ Resteemed!

Maraming salamat @leahlei. Ako'y lubos na nagagalak.

master sino ba yang hinahanap mo? hahaha

Master ka jan. Ikaw yung master kasi engineer ka eh. Tsinelasin kita last ka nalang. 😭 haha

simple. pero may hugot. bagsik!