"Luha Mo'y Pupunasan" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Luha Mo'y Pupunasan"


Mabigat man ang iyong nararamdaman
Okay lang yan, hindi ka dapat kabahan.
Dahil kung ang lahat ikaw man ay iiwan
Nandito ako at ang "Luha Mo'y Pupunasan".

Narito lang ako, aking sinisinta
Pupunasan ko ang iyong mga luha.
Dadamayan ka sa iyong mga pighati
At papalitan ko ito ng mga ngiti.


Kaya wala kang dapat ipag-alala
Dahil may masasandalan ka pa.
Palagi mo akong makakasama
At saya ulit ay iyong madarama.


Matagal-tagal ko na din gustong sabihin to
Na matagal-tagal na din kitang gusto.
Hinihintay ko lang ang panahong ito
At mapakitang may-aabang sa iyo.


Ang tulad kong handang maghintay
Ng pagkakataon dahil ako'y tunay.
Aking puso't pagkatao ay dalisay
Pagmamahal ay walang kapantay.


Narito na'ko, wag kanang mag-alala
Taong magmamahal sayo aking sinta.
Ang puso ko'y bigyan mo lang ng daan
At habang buhay kitang paka-iingatan.


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

and Here are my English Poetries

Jassenn

Photocredits : 1 2

Sort:  

ang ganda nang nilalaman nang poetry mo @jassennessaj

Maraming salamat @reyarobo at ito'y iyong nagustuhan.

Ang iyong tula ay nakakaantig ng puso .:)
Ipagpatuloy mo pa ang paMamahagi ng iyong talento heheh

ako'y naiiyak habang nagbabasa, pupunasan mo ron ba ang mga luha ko?

Loud kaaayo ka oy. Pahuway lang diha. Haha

Hahahahaha walangya

Hahaha nice , nakakapagpabagabag ng damdamin ang iyong tula, napakagandang basahin,. Naway ipagpatuloy mo ang pag gawa ng napakagandang mga tula, at itoy aking aabangan.

Maraming salamat!

Nice poem. Good idea in the poem. Thanks for posting.

The @OriginalWorks bot has determined this post by @jassennessaj to be original material and upvoted it!

ezgif.com-resize.gif

To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!

Please note that this is a BETA version. Feel free to leave a reply if you feel this is an error to help improve accuracy.

Well-written composition! Continue to be an inspiration!

Yung nagiisang taong palaging nandyan at handa kang damayan mapa kasiyahan man o kalungkutan :) loved your poem!

Thank you! :) Maraming salamat!

Makata! Hehe..

Hahaha. Maraming salamat :)