"Mahal na nga Kita" : A Filipino Poetry of Love

in #poetry7 years ago

"Mahal na nga Kita"


Sa tuwina'y lagi kitang naiisip
Maging sa'king mga panaginip
Pabigla-bigla kang sumasagi sa isip
Dahilan ako'y hindi makaidlip

Ako'y napapangiti kapag naalala ka
Animoy nakakita ng rosas na kayganda
Binabalikan ang matamis na alaala
Alaalang hatid ay labis na ligaya


"Mahal na nga Kita" yan ang nasa isip
Ang hangin biglang nagbago ang ihip
Ihip na humahaplos saking kalaamnan
At dumadaplis sa'king nararamdaman


Ang ngiti ko'y hindi halos maipinta
Dahil sa sobrang saya kapag kapiling kita
Hinding-hindi na kita pakakawalan pa
Nag-iisa ka lang at wala ng hihigit pa


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

and Here are my English Poetries

Hanggang sa Muli


Photocredits : 1 2

Sort:  


I upvoted and resteemed it.Ohh! Sweet. Good poem sir @jassennessaj

Inspiring poem sir

Galing...ang galing lang talaga.
Sana makilala kita sa personal
magpapaturo ako ng techniques hahahha

This is what I like about you sir @jassennessaj a very creative person as ever.