"Matabang" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Matabang"


Ano bang meron sila
Na hindi mo makita sakin sinta
Sawa ka na ba sa putaheng hinahanda?
Bat's ka ba tumikim sa kabila?

Mapait ba ang lasa, matamis o "Matabang"?
Kaya tumikim ka dahil sa kanya'y maanghang?
Sabihin mo sa'kin, iyon ba ang dahilan?
Kung ba't ako iyong iniwang sugatan.


Ginawa ko naman lahat para sa iyo
Ibinigay ko lahat pati sarili kong mundo
Ano pa bang kailangan kong isuko?
Gusto mo rin ba pati ang pagkatao ko?


Ibibigay ko lahat, wag kang mag-alala
Wag ka lang sanang mawawala, aking sinta.
Dahil ibibigay ko sa iyo ang lahat
At ibibigay ko pa sa iyo ang lahat


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

and Here are my English Poetries

Hanggang sa Muli


Photocredits : 1 2

Sort:  

wow, ganda ng poem mo sir .. pero wag mo ibigay lahat ng pag ibig ! kasi subrang sakit pagnawala sya :(

Babala, ang mga kataga ay kathang isip lamang at walang kinalaman sa aking pagdaramdam :P

Ang sakit!! h'wag kalimutang mahalin ang sarili. Kung ayaw na nya at gusto na ng ibang putahe, hayaan na at mas masakit kapag pinipilit ang sarili sa taong ayaw na talaga.

Haha! Tama. Wag padala sir. Ang tulang yan ay hango sa kathang-isip lamang

ahahaha.. Ok. So my comment will for those, you know... "martyr". Lol

Galing naman nimu bro