"Nanggigigil Ako Sayo" : A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Nanggigigil Ako Sayo"

Love-3D-Funny-Wallpapers-300x188.jpg


Nanggigigil ako sayo
Dahil sa taglay na ganda mo.
Mukha mo'y nakakatulala
Alindog na nakakanganga

Mapupungay mong mga mata
Nakakapanghiwalay ng kaluluwa
Perkektong hubog ng iyong katawan
Parang hindi ko na kayang pakawalan.


Araw at gabi ikaw ang iniisip ko
Hudyat na "Nanggigigil Ako Sayo".
Ang cute mo, sarap mong tirisin
Sana naman ako'y bigyang pansin.


Ipapasyal kita sa mundong di mo nanaisin
At handa akong mundo mo'y wakasin.
Sa lugar na tayo ay biglang liliko
Sa dimensiyong saglit lang maglalaho.


Gagawin ang ginagawa ng madla
Bagay na mag-aayon sating kaluluwa.
Ang gawi na ating paghihirapan
Tayo lang at walang ibang makakaalam.


Ipapasyal kita patungong langit
At mga tala'y aking isusungkit.
Para maging liwanag sa paligid ay madilim
Tayo'y liligaya sa isang kulimlim

images (7).jpg


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

Jassenn

Photocredit : 1 2

Sort:  

Nice one master! 😊 it seems like you really are inspired in making this peom. Anyway, upvoted and resteem master 😊

Thank you master @ligarayk. I appreciate it a lot :)

No worries master @jassennessaj 🙌

Nice post. Good informative idea . good post. Thanks for sharing.

Hello po! Kainggit, ang galing magtagalog! I mean, doing pieces like this in tagalog. Nahihirapan kase akong kumuha ng mga deep words to add character sa mga poems ko. Nakakatuwa lang, hehe. Keep it up po! :)

No worries po maam @angelrose. :) maraming salamat at naappreciate mo po.

Yay! gusto ko ring pumunta sa langit! Tara? hahahahaha

Hahaha laughtrip 😂

Wahahahaha @smaunabs! XD Made my day!

hahahahahaha <3333333333

Wahahahahahahahahaha :P

Talagang nakakahanga
ang mga binitawang salita.
Nawa'y mga puso'y mabuhay
na noon ay punong-puno ng lumbay.

Ika'y magiging inspirasyon
sa pagbuo ng isang misyon.
Ang wika'y pagyamanin
Dito sa Steemit ating gamitin.

Haha. Nakikitula lang.

Please follow me

this is nice. this inspires me to make more poems. this time in Filipino. thanks bro :)