"Sapat ba Aking Pagmamahal"
Laging nakahawak sa selpon na tila may iba
Matagal ko nang pansin pero nagbubulag-bulagan
Kasi takot sa iba mapunta
Ang hirap isipin na nagbago ka na
Gabi-gabi di makatulog sa kaka-isip anong nagawang mali
Gustong makausap at mayakap para mapawi ang pag-aalala
Pero bakit ganun parang ako lang ang nag-alala sa atin
Pag gustong makita laging may rason na hindi makapunta
Laging hindi sumisipot sa mga araw na espesyal
Ini-intindi na lang sa mga maling ginawa
At kinikimkim ang mga sakit na parang walang nangyari
Pilit na pina-iintindi sa puso na mahal mo ako
Martir na kung martir , ang mahalaga mahal kita
Walang hinihiling na suklian ang pag-ibig ko
Kasi ginusto ko to , pinili kong maging ganito.
Mahal na mahal kita , sigaw ng puso
Kulang ba ito , hindi ba ako sapat
Ginawa ko naman ang lahat kahit na labag sa loob kinaya ko
Dahil alam ko diyan ka magiging masaya, diyan kita makikitang masaya
Kailan magiging sapat, kailan madadama ang pag-ibig
Naghihintay sa sulok na mapansin, na mapamahal ka sa akin
Pero hindi ako titigil na ipadama sa iyo ang puso kong laan para sa iyo
Huwag mo lang akong iwan kasi di ako titigil na suyuin ka para mapansin ako
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
though i am not good at your language but can say that i like that gif... <3
Choya ! Jassen ayaw tawn ko kalimti :)
a very poetic writer:)
keep inspiring :)
Nice. Gusto ko rin magblog ng mga tagalog na tula. Gayahin ko po kayo sir. Hihi
brad nka follow nko sa trail sa steemph.cebu
Hahaha ang ganda po ng tula mu sir @jassennessaj heheh 😊😊😊😊binasa ko ung ibang tula mu sa gf ko she like it hehehe tnx po napaibig ko pa sya 😊😊😊 tnx a lot po
Kaabang abang mga tula mung ginagawa😊😊😊
Sana pagpatuloy mu pa ang kahangahangang talento na sayo nag mula😊😊😊😊
Awww, bakit po ang sakit pero ang ganda ng tulang ito. Ang galing po! :)
Really interesting article written. Good post. Thanks for sharing.
Ang ganda po nga mga tula na ginagawa mi sir @jassennessaj