"Tadhana'y Mapaglaro"
Sa maling pagkakataon tayo nagkita.
Magandang balita lang sa una
Pero sa huli mga puso'y sugapa.
Masayang pagkakataon ma'y maranasan
Kasakitan naman ang hatid sa hulihan.
Ang mga mata'y luluha-luhaan
At ang mga puso'ybsugatan.
Nung una'y napakasaya ng mundo
Ngunit iba naman ang hatid sa dulo.
Ang pait na at wala man lang kibo
Iniwan ang pusong sayo'y matino?
Ganun ba ang tadhana'y maglaro?
Ang pinaglalaruan ang mga puso.
Masasabi ko na bang "Tadhana'y Mapaglaro?"
Dahil ang aking puso'y naging biktima nito.
Maraming Salamat sa Pagbasa!
Nawa'y naantig ka sa aking katha. Paunawa : Ito'y kathang isip lamang at walang kinalaman sa'king nadarama at ito'y ginawa lamang gamit ang imahinasyon
Nawa'y hindi ka rin magsawang sumuporta sa aking mga katha. Lubos akong nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta.
Hanggang sa Muli Steemians!
Photocredit : http://objektivno.hr
Ang galing mo namang manunula .Sadyang ang tadhanay mapaglaro nga naman.Maghintay lang sa tamang panahon.
grest poetry post. i love poem. thanks for @jassennessaj