"Utang Na Loob"
Ito'y di dapat hinihingi kundi kusa.
Tumulong ka ng walang kapalit
Kaibigan, wag mo sana itong ipilit.
Hilingin ito ay di mo dapat gawin
Hayaan ang mga tao na ito'y naisin.
Dahil ang pagtulong galing dapat sa puso
Iwakli ang kaugaliang pagpapakatuso.
Ako'y nabigla kasabay ang pagkalungkot
Nang ito'y binanggit ng walang pasikot-sikot.
Utang na loob ba'y wala ba talaga ako?
Dineretsahan kasi ang mga katagang ito.
Ito'y nakakagimbal sa isip ko at sarili
Salitang galing sa kaibigang pareho ang mithi.
Ganun na ba talaga ako kababaw pare?
Dahil deretsahan mong sinabi iyon sa ere..
Ako'y may maraming hinaing na dapat isabi
Pero hindi magawa at gusto na lang itong isarili.
Pagtingin ng ibang tao'y lulunukin na lang
Mga sakripisyo ko'y di man lang pinahalagahan.
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Parang nag-iba ng tono sa conclusion?
Sa simula
Tumulong ka ng walang kapalit
Kaibigan, wag mo sana itong ipilit.
Pero sa wakas:
Mga sakripisyo ko'y di man lang pinahalagahan
Napansin lang. ;)
Anong tono ang ibig mong ipahiwatig kaibigan? Ito ba'y patungol sa pagtugma? O tungkol sa konteksto ng simula at pagwawakas?
Sa konteksto, kaibigan. Tila hindi sila nagkakasundo sa mensahe na gustong iparating. :)
May mga pangyayaring dapat itago, kaibigan. Mas mabuting ito'y maging talinghaga para sa lahat :)
Wao nice
Wow:) Thank you so much for everything @jassennessaj .It was great meeting and talking with you yesterday . :) anyway good post . Yey.
hala.. di ba nya pinahahalagahan ang iyong mga gawa?
sana siya ay magising sa kanyang ginawa!
Isa kang dakilang makata, kaibigan
Ipagpatuloy mo yan!hehe
Truelala naman. Napakamabuluhang tula.
Wow! napakagandang lathala.
Hurot akong believe nimu @jassennessaj ang galing nyu po mag tula.
thanks ^^ upvoted!
good
maganda ang tula na iyong ginawa sir @jassennessaj maganda ang mga katagang salita na ginagamit mo.
Isa kang makata! maganda ang pagkagawa ,
merong koneksyun yung una at ang panghuling bahagi.. maramdaman yung emosyung nakakubli sa bawat linya
patuloy niyo pa po ang paggawa :)