“Wikang Mapagbago”
Ito ay may kakayahang mapagbago
Tumatanggap ng mga bagong salita
Hatid nito ay kabutihan sa bansa.
Pinagkakaisa mga Pilipino
Iba’t-ibang lahi, at saan mang dako.
Anumang hindi pagkakaintindihan
Pinag-uusapan tungong kaisahan
Ang Pilipinas, umuunlad na bansa
Ngunit hindi naging maunlad na bansa
Wikang mapagbago, isang instrumento
Upang kaunlaran ay ating matamo.
Sa bawat pagbabago n gating wika
Buksan ang isipan at maging bihasa.
Ating yakapin ang pagbabago
Tungong kaisahan,kaunlaran at karunungan.
Lahat ng mithiin ay makakamit
Pagka't wika ating ginamit.
Kung kaya't tayo ay uunlad,
Sa wikang pampaunlad.
Sa bawat pagbabago ng ating Wika
Karunungan ang hatid sa bansa.
Ating paunlarin ang Wikang kinagisnan
Sapagka't ito ang tulay sa kaunlaran.
Maraming Salamat sa Pagbasa!
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :
and Here are my English Poetries
Hanggang sa Muli
Photocredits : 1 2
*Photocredit : 12
nice post lodi @jassennessaj,..love it.