Magmahal Ka -- A Filipino love Poem

in #poetry6 years ago


Image Source


Magmahal Ka

<•••>

Mula sa kung saan nagpang-abot ang dagat at lupa,
Magmahal ka kagaya ng araw sa buwan,
Kagaya ng gamumo sa lampara,
Kagaya ng takip-silim sa dapithapon,

Magmahal ka sa merkado at daan,
Kahit tangan mo ang palad ng iilan,
Magmahal ka, sa kung saan kayo nag-iinuman,
Magmahal ka muna bago ka makipaglaplapan,
Magmahal ka sa paaralan
Kahit titser mo'y kay sarap sabunotan,

Mamahal ka kahit sa salita man lang,
Kagaya ng simuno sa panaguri,
O magmahal ka sa gawa,
Katulad ng mga nasa picket line na manggagawa,

Magmahal ka sa ilalim ng pasistang iilan,
Magamahal ka sa ilalim ng pinunong iyong pinaglalaban,
Magmahal ka sa pamamagitan ng iyong ideyolohiyang pinaniniwalaan,
Magmahal ka kahit ang bansa mo'y niyoyorakan,

Magmahal ka kagaya ng asin sa paminta,

Magmahal ka kahit lahat ng itoy di mo
Madama, marinig o makita,

Magmahal ka gamit ang dunong, pulso at bawat pintig ng puso,

Magmahal ka dahil ito lang ang kasagutan.



Sort:  

Napakagandang mensahe ng magmahal ka.
Ngunit nawa'y di ito sundan ng petrolyo, pamasahe at kung anu-ano pang gastusin.
Pero sana marinig ito ng sweldo.
At ng aking portfolio.

Ahahahahah wag naman sana

Congratulations @louielowa! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!