Sa papalayong bangka ng mahal kong tatay
Ayaw umalis sa kinatatayuan hanggat tanaw ang tela sa bangkang yumawagayway
Ang hampas ng alon at aking luha'y sabay na dumadaloy
Isang simpleng bagay na nakabalot
Ngunit may isang bagay na sa puso ko'y may kurot
Isang puting bestida na paboritong isuot
Hindi ko na nasilayan si tatay mula noon
Sa dalampasigan laging syang hinihintay tuwing dapit hapon
Umaasang masisilayan ang bangka sa dako pa roon
Ang puting bestida sa damitan ko'y binubuklat
At kapag ito'y suot ramdam ko ang yakap
Magbalik ka na tatay lagi kitang hinahanap
Walang bagong damit, bestida ko daw ay palitan
Maliit at masikip na ang bestida kaya nila pinagtitinginan
Ang damit na ito ay importante bakit hindi nila maintindihan
Ang lumang bestida dapat kong itago na
Hindi nangangahulugang kakalimutan ko na
Alaala ng huling regalo ni ama
xoxo,
Salamat po sa pagbabasa ng aking tula!
Sundan akong muli sa @noime para sa mga susunod ko pang tula ng buhay.
This post has received a 0.72 % upvote from @booster thanks to: @noime.
I hope you don't mind me asking, is this poem based on your real-life? :)
nope @hyandel , just in my mind.. ",
I see. I, myself, do have a sleek white dress that I treasure so much. It was a gift as well.
do you still have that white dress? ",
Yep. Kept in zip-lock plastic bag. Not considering to hand-it-down to whoever yet.