Filipino Poetry #05: "Unang Halik" - Handog para sa Araw ng mga Puso

in #poetry7 years ago

Aking pang naaalala tamis ng unang halik
Tuwing maiisip puso'y nananabik
Mahagkan ka't mayakap ng mahigpit
O bakit hindi malimot, ikaw pa rin ang tinitibok

Hindi maiwasang mapangiti tuwing lilingon
Sa ating nagdaan ayaw ko pang ibaon
Sa dalampasigan habang tinitingnan ang mga alon
Sa aki'y nagpaalam kung maaari ba akong hagkan

Tayo'y nagkalayo dahil sa siyudad ika'y nagtrabaho
Nangako ka pag-ibig mo sa akin hindi maglalaho
Ngunit bakit sa iba natagpuan muli ng iyong puso
Naiintindihan ko ngunit bakit sa akin ay itinago

Sa aking pitaka larawan mo pa ay matatagpuan
Larawan natin sa dalampasigan ang matatanaw
Unti unti sa gunita ko ay may nagbabalik
Pagkat doon naramdaman ang una mong halik

Mahirap limutin kahit iyong pilitin
Dahil ba ang unang pag-ibig ay hindi kayang patayin?
O baka ang puso'y lihim na umiibig pa rin
Humanap ng bagong pag-ibig at puso'y patahimikin

Muli't muli tayong magmamahal
Ngunit may taong sadyang kay hirap matanggal
Sa puso nati'y nakaukit t laging nagbabalik
Ala ala ng una mong halik

Maraming salamat sa pagbasa...

XOXO,

@noime

SteemitFooter.png

Sort:  

Aww matamis pa sa pakwan yan unang halik hihihi

hahahaha! tamaaa.. so do you still remember your first kiss or tinago mo na dn sa yong baul?

Wala ako naging unang first kiss ey sa totoo kaya yun nasa baul empty. pa rin hahahha

This post has received a 0.73 % upvote from @booster thanks to: @noime.

Kumakatorse si Miss Author :p

ahaha! hindi ko nga yata linya ang love poetry eh.. perstaym!

thanks sa pagbisita.

Ayos na ayos yung tula mo! haha
Naalala ko tuloy si Sam?

The writing format was cool. LOve it!

wahahahah!! Sam talaga? ",

anyways... thanks..

Matamis na masakit ang unang halik ko.