Balagtasan 13 (Sirang Plaka)

in #poetry6 years ago

"Sirang Plaka"



Source

Minsan sirang plaka ang turing sa'ting ina,
Mga bagay-bagay kahit maliit 'di tayo sanay.
Mga salitang di kapuri-puri mga binibigkas,
sakit sa tainga kailan magwawakas.

Minsan machine gun ang tawag natin sa kanila,
Mula umaga hanggang gabi iyo'y nadarama,
Mga pangaral at sumbat na paulit-ulit,
Ok lang sana kung walang kapitbahay na sinasabit.

Natanong ko sa'king sarili ito ba'y tama,
O sa katigasan ng ulo ko't kalooba'y napasama.
Di tumatagos mga aral na binabato,
Pagdating ng panahon ako ay matututo.

Nang ako'y nagka-idad at nagkaisip,
Mga pasaring at mga turo ay nasilip.
Sirang plaka pala ay may dahilan,
Para mamulat sa hubad na katotohanan.

________________________________________________________________________

Iyong kaibigan,
@redspider