Pag-isipan Mo (A Filipino Poetry)

in #poetry7 years ago

PAG-ISIPAN MO

images (6).jpeg

Masdan mo ang paligid, aking kaibigan
'Di ka ba nanghihinayang, sa mga nakaraan?
Isipin mong mabuti, aking kaibigan
Ikaw lamang, anv makasasagot n'yan

Ang ating kalikasan ay sira-sira na
Tubig at hangin ay pawang marumi na
Pati ang gubat ay nakakalbo na rin
Mapagaganda pa ba natin ang mga ito?

Ibang-iba na rin ang ating ugali
Aala nang pagmamahal sa isa't-isa
Pati mga bata ay nahahawa na
Ating pagkikilos, ginagaya nila

Aking isasama, masasamang gawain
Kabataan at magulang ay pawang pareho
Wala nang giniwa, magsaya at magpasarap
'Di nila alam, punta nila'y impyerno

Ngayon kaibigan, ang payo ko sa iyo
Ibalik sa dati ang paligid na ito
Dahil ito lamang ang tanging paraan
Papunta sa mabuting daan

@s3Carlo


Image Source


FB_IMG_1517488441680.jpg