Basang Sisiw (A Filipino Poetry)

in #poetry7 years ago

Basang Sisiw

images (25).jpeg

Malamig na gabi nang aking madungaw
May gusgusing bata tila'y giniginaw
Nagmamakaawa at nagsusumigaw
Sa gutom at pagod ganap na nauuhaw.

Katawan ay payat tila'y butuhan
Nakakaawa ang kanyang kalagayan
Pagkalinga ng tao'y siyang kailangan
May puso't mandin marunong masaktan.

Ang hapong katawan laging nakasunog
Sa mga panganib sa umaga't hapon
Maging sa gabi man, masamang panahon
Siya'y nakisabay sa lungkot at gutom.

Kung tawagin siya'y isang basang sisiw
Na wala man lamang sa kanya'y mag-aaliw
Walang kamatayan, walang pagmamaliw
Kung tagurian siya'y parang isang baliw.

Kahit basang sisiw, marunong masaktan
Marunong magmahal, marunong magdamdam
Marunong magtanong, kahit kaninuman
Siya ay bata, basang sisiw nga lamang

~@s3carlo


Image Source


DQmbdMyGTSWwxM63dB8eztjLzS3AWSvKw1X11fMK8hMd4in (1).jpeg

FB_IMG_1517488441680.jpg