TULA (POETRY#31) "MATAKAW SA KAUNLARAN"

in #poetry6 years ago (edited)

MATAKAW SA KAUNLARAN


link

Sabi nila ang pamilya ang siyang sandigan,
Ang tanging kakapitan pag may kailangan,
Kahit anong mangyari ay nagdadamayan,
Sa hirap at ginhawa kapit walang iwanan.

Ngunit hindi natin hawak ang panahon,
Ang relasyong iniingatan sa ating kahapon,
Ito’y biglang lilisan at wawasakin ng desisyon,
Na ang bawat isa ay hindi sumasang-ayon.

Ang pagtanggap ng lipunan sa kaunlaran,
Ay parang tala na tinitingala sa kalangitan,
Pero kamag anak nakita kang maginhawa,
Hindi kayang tanggapin nauunahan mo sila.

Salitang mapanira ay harap harapang naririnig,
Kahit masakit pilit iwinawaksi bilog ang daigdig,
Ang adhikain at pagsisikap walang kompetisyon,
Pero sa kanila ito’y isang maling interpretasyon.

Sariling dugo nananalaytay sa ating katawan,
Bakit sila hindi tao? At matakaw sa kaunlaran?
Kailangan bang ipag alam O epag abiso ang estado?
Isalang sa mahabang diskosyon, kami’y pasado?.

Magkapamilya ay nagdadamayan hindi nagsisiraan,
Pinapasaringan? Manalig pera ay may hangganan,
Napakasakit isipin dignidad pilit na dinudungisan,
Hindi mapigilan, basta wala kang taong naapakan.


From @tinkerrose.
Thank you for reading my blog. A tagalog poetry