TULA (POETRY#33): "ANG PERA"

in #poetry6 years ago

ANG PERA
by: @tinkerrose

link

Ikaw ang dahilan ng aming matiyagang pakikibaka,
Aming pamumuhay na kayod kalabaw para sumaya,
Kahit ubod ng pagod katawan koy hindi ito nagsasawa,
Mas masakit makita pamilyang walang maihain sa mesa.

Nakalimotan ko na’ng araw na sila’y aking makasama,
Para ika’y maangkin at sa pamilya’y makapagpadala,
Lungkot ang aking nararamdaman buong araw o twina,
Nilalabanan sakit at pangungulila sa oras ng pahinga.

Ikaw ang dahilan ng pasanin ko dito sa mundong ibabaw,
Na halos ibuwis buhay ang aking katawan sa araw araw,
Kahit na antok na antok sinusulit ang dagdag na mga oras,
Para ngayong darating na sahoran ika’y sobra at tumaas.

Isang suliranin walang sagot kailanman sa aking isipan,
Hanggang saan maghahabol kumayod sa kasuloksulokan,
Maiwaksi ang sariling takot at sana hindi ito panandalian,
Parang sumpa na hindi natin maiwan iwan at matalikuran.


Hanggang sa muli kaibigan