Kung iibig ka, paghandaan mo ang sakit na dulot nito.
Pag-ibig ko sa'yo ay nilamon.
Pag-aaruga ko’y itinapon.
Pagmamahal ko’y ibinaon.
Humahapdi maging ang kaluluwang naging bato,
Lahat ng sakit, kasawia’t kabigua’y sinalo.
Isipan ko’y itinabi upang puso ko’y manalo,
Ngunit, sa anong dahilan, pagmamahal ko’y binalewala mo.
Dalawang araw na puno ng kasinungalingan,
Bawat salita’y walang katotohanan,
Ang panahon at pagmamahal ko’y nasayang,
Dahil sa anak ng teteng na pag-ibig na iyan!
💔