AKLAT
Karunungan, minulat,
Handog para sa lahat,
Kahit sa pera'y salat.
Ngunit teknolohiya,
Sa lahat, minumutya,
Ako ay napabaya,
At laging kinukutya.
Ako ay binabasa,
Tuwing may ninanasa,
Paano bibihasa?
Ako'y walang pag-asa.
Ako'y tinatapon lang,
Anong silbing nilalang,
Ano bang aking utang,
Pagbayarang madalang.
Lahat ng mga pasakit,
Ako'y namimilipit,
Saan ang malasakit,
Ng tao ako'y ipit.
Aruga nasaan ka?
Init mo'y tinarangka,
Ibigay ang halaga,
Sa aking may pag-asa.
Tanaga
Congratulations @yellowmajesty! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
You got your First payout
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Ano kaya ninanasa haha.
Ito ay iyong alam
Bomba ang kanyang ngalan
Joke lang ginoong @twotripleow - Toto
Hahaha. Hindi na ngayon.
Salamat sa likhang tagalog @yellowmajesty effort mag-isip sa swak na salita sa tanaga.
Ang husay! - Toto ng @tagalogtrail