Mga Opinyon ni @zephalexia sa Eleksiyon at Politika sa Pilipinas

in #politics7 years ago

PicsArt_05-07-04.49.41.jpg

Ang politika ay yung tinatawag na mga gawain o aktibidades kung saan ito ay may kinalaman sa pwesto sa gobyerno , mga bagay na makakaimpluwensiya sa gobyerno. Para sa akin, ito ay isa sa mga pinaka magulong aspeto sa isang nasyon. Nariyang nagkakaroon ng ibat ibang partido, nahahati hati ang mga mamamayan kung kanino papanig . Nagkakaroon din ng misnong mga gusot sa taong nasasa loob ng mundo ng politika.

Isa sa mga maiikabit na usapin sa politika ay ang eleksiyon. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang eleksiyon ay nagaganap dito sa Pilipinas kada anim na taon , para sa pambansa o pambarangay na eleksiyon. Sa kaganapang ito, may ibat-ibang grupo o partido ang nabubuo, kanya kanyang alyansa , kanya kanyang kakampi. Mayroong mga kandidatong magkakalaban , na tatakbo bilang prrsidente, senador , kongresista, gobernador, mayor, kapitan , hanggang pagkakonsehal. Sa panahon ng eleksiyon mayroon kang maririnig at makikitang ibat ibang klase ng pangangampanya , may mga papel na may mukha ng kandidato na ididikit kung saan saan , flyers , tarpaulins , stickers at ibat iba pang papel. Meron ding mga ibat ibang uri ng sasakyan na lumilibot sa mga kalsada, mga subdivision , na may dala dalang mga speakers kung saan maririnig ang campaign jingle ng kandidatong ipinangangampanya. Samut saring paraan upang ipamayagpag ang ngalan ng politiko.

Ngunit sa mga panahong ito ay talamak din ang "vote buying" may mga mamamayang ipinagbebemta ang kanilang boto sa halagang maaaring itinutumbas ng mga politiko sa iyong pagkatao. Subalit sa kabila neto,naniniwala ako na may kanya kanyang dahilan ang mga tao sa bawat desisyon nila. Marahil matindi ang pangangailangan ng mga taong nagbebenta ng boto kaya kapit patalim na lang. Sa mga ganetong pagkakataon, dapat din nating pakalimiin ang mga bagay na isasagawa naten,papaanu kung ang taong pinili mong iboto ay isang kurakot o magnanakaw lamang sa gobyerno? Papaano kung ang mga naipangako sa iyong pagbabago ay mapapako lamang?

Hindi bat nasasataong bayan talaga kung sino ang maluluklok sa mga posisyong panggobyerno? Kaya sa mga taong mahilig din magreklamo at isisi ang lahat ng problema ng mundo sa gobyerno, marapat na gamitin mo ang iyong karapatan sa pagboto, hindi lamang para masabing ikay nakabotong literal, upang para iyong mapanindigan ang iyong pangangatwiran kung dumating ang panahon na ang pinili mong kandidato ay nasadlak sa kasamaan o ito palay magdudulot ng napakaraming kabutihan.

Maisingit ko lamang ang usaping ito, akoy nagugulumihanan at waring nagtataka kung bakit may mga taong sadyang ibig ang mag rally ,protesta dito ,protesta doon. Puno ng galit at ibinubuhos lahat ng sisi sa gobyerno. Bakit kaya hindi subukang alamin or pasangayunan muna ang mga plano ng gobyerno at intayin ang kalalabasan ,bago pa man umaksiyon ng mga mararahas na gawain. Ito lamang din ay aking napansin sa bansang Pilipinas , hindi pa man naisasakatuparan ang proyektong ng gobyerno na sa aking lasa namay kaaya aya para sa lahat, ay kaydami na agad kontra dito , puro negatibong komento na wala pang tamang basehan. Pero sa obserbasyon ko sa ibang bansa, lalo na sa mga tao ,sa aking pagtatrabaho dati bilang isang call center agent , tila bang , ang mga tao sa mauunlad na bansa ay sumasangayon sa plano ng gobyerno ,may positibong pagiisip na itoy para din sa kapakanan ng lahat. At oo, sa aking opinyoy itoy naging maganda para sa ibang bansa. Kaya sa aking sariling bansa , alam kong walang perpekto, pero ang sigurado ako ay, pag nagkaisa tayo, hindi malayong maging maunlad din tayo gaya ng iba. Ang hirap din sa ating mga Pilipino , halos lahat tayo may mind set na "magaling ako , mas magaling ako, mas may alam ako" .

Minsan subukan nateng umunawa at mas lawakan ang kaisipan at pananaw sa buhay , na kung ang pagbabago ay sisimulan naten sa ating mga sarili , anupat magdudulot ito ng pagunlad at kaginhawaan para sa lahat. Kaya ngayong darating na eleksiyon , kung gusto mong isulong ang pagbabago, aba! ikaw ay bumoto! gamitin mo ang karapatan mo at sa iyong pagpili ikay maging matalino.

Sulong Pilipinas!

Thanks for reading!

Sort:  

looking cute sister

thank you! 😊

Hindi ba every three years ang barangay elections? Nakalimutan ko na haha!

Ang pagbabago naguumpisa sa atin.

3 years ba sa brgy?. LOL di ko na din tanda. haha. salamat sa pagbisita ❤️❤️❤️

Go Philippines! I'm not a citizen, but I consider the Philippines to be my second home. While it's not my place to become involved in politics in your country, I'm very concerned for the outcome of your elections. My only suggestion is that people become as informed as possible about the different candidates. The more you know, the better choices that will be made for the hard working and incredibly hospitable people of the Philippines.

Mabuhay!

so true dear ,thank you very much for your knf words for the Filipinos , and appreciate you droppin by , thank you! ❤️❤️❤️

Congratulations @zephalexia! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Ang tunay na pagbabago ay magsisimula sa sarili natin. Salamat sa pagbabahagi mam @zephalexia

Loading...