I think that's the single best piece of advice: constantly think about how you could be doing things better and questioning yourself. - Elon Musk
Pag-usapan natin ang Pagreresteem
![](https://images.hive.blog/768x0/https://steemitimages.com/0x0/http://aspire.sharesinv.com.s3-ap-southeast-1.amazonaws.com/wp-content/uploads/2016/03/14172039/150918110559-negative-interest-rates-780x439.jpg)
Sa pagsisimula, ang salitang "resteem" sa Steemit ay katulad lamang sa "retweet" sa Twitter at "share" sa Facebook. Ang resteem ay isang termino ng Steemit nakakapag-broadcast ang isang sulat sa iyong mga tagasubaybay (followers). Sa pagreresteem, ang sulat ay makikita sa Home Feed ng iyong mga tagasubaybay (followers).
![](https://images.hive.blog/768x0/https://steemitimages.com/DQmdHRjMBtUkTyPxf64AQ3FUF27fkwigUzUk499vPgnDN36/image.png)
visibility sa mga Steemit users. Ang balik nito ay may tsantsang mas magkakaroon ka ng mas higit pa na reward na matatanggap sa post mo, kasi ito'y nakikita ng mas maraming users.Dahil sinubaybayan ko si @aggroed, lahat ng kanyang mga sulat na ni-resteem ay makikita ko sa aking home feed. Ang epekto nito ay ang sulat ay magkakaroon ng
Ang Pagreresteem sa mga sulat ay makikita sa iyong blog section
![](https://images.hive.blog/768x0/https://steemitimages.com/0x0/https://steemitimages.com/DQmWLV47JxbgZxurca4kBJZX6P7ZFax7Zg4cUWDiGdQrJe6/image.png)
Ngunit ano nga ba ang Mabuti at Masaming naidudulot ng Pagresteem ng Marami?
Bagamat ang pagreresteem ay may impact sa plataporma ng Steemit, may mga masamang epekto din ito sa atin. Ginawa ko ang sulat na ito para magbigay kamalayan sa mga bagong users sa Steemit (lalo na sa Cebu community) na nagreresteem ng maraming blogs ngunit hindi pa gaanong naiintindihan ang sistema ng Steemit.
Simulan natin sa Mabuting Epekto ng Pagreresteem
Ang sulat ay Mas Nakikita ng Karamihan
Kapag ang isang sulat ay naresteem, ito ay naibro-broadcast sa iyong mga tagasubaybay. Kung ito'y mai-reresteem ng maraming users, ito'y higit pang makikita ng maraming users din.
Potensyal na Makakakuha ng Mas Malaking Gantimpala
Dahil ito'y mas nakikita ng karamihan dahil ito'y niresteem, may malaking posibilidad na ito'y makakatanggap ng mas malaking gantimpala. Bagaman ang kalidad ng sulat ay isa sa pinakaimportanteng kadahilanan ng mga users na i-upvote ang iyong sulat, dahil ito'y nakikita ng karamihan may posibilidad na ma-uupvote nila ang niresteem ng sulat.
Ang sulat ay Nagtuturo, Kawili-wili, o Naghihimok ng Komunidad (Community Driven)
Ito ang naiisip ko na mga pinakaimportanteng rason bakit ang isang sulat ay nireresteem (maliban na lang sa isang kaibigang nagpaparesteem ng post nila, haha). Ibig sabihin nito'y may importansya ang iyong sulat kung bakit ito nireresteem.
Ang Masamang Naidudulog ng Pagresteem ng Maraming
Ang pagreresteem ng maraming mga sulat ay nakakapekto ng masama sa iyong karera sa Steemit, maniwala ka sakin. Ang pagreresteem ay isang napakakritikal na aspeto sa Steemit na hindi dapat ikawalang bahala. Hindi rin ito dapat iabuso o gamitin ng mali. Dapat maging responsable ka sa paggamit nito dahil baka mawalan ka ng mga napakaimportanteng tagapagsubaybay.
Ito'y Nakakabara sa Home Feed Nila
Tandaan na kapag ang isang post ay na-resteem, ito'y makikita sa home feed ng iyong mga tagasubaybay. Kung nagreresteem ka ng marami, sinasalakay mo ang kanilang home feed - isang napakainis na bagay! Inunfollow ko na ang ibang mga Steemit users na nagreresteem ng marami dahil ito'y nakakabara sa aking home feed.
Tandaan na wala kang makukuhang gantimpala sa pagreresteem ng isang post. Kung iisipin mo, ipinopromote mo ang kanilang mga gawa. Ito'y mabigat na rason para i-unfollow ka nila.
Nakakabara ito sa Iyong Profile at hindi na makikita ang Iyong mga Sulat
May mga beses na may mga Steemit users na gustong bumisita sa iyong Profile at i-check ang iyong mga ginawang sulat lalo na kung may nagawa kang mabuti sa kanila. Nature's response kumbaga, ibabalik nila ang kabutihan sa iyo. Ito'y pwedeng maging upvote, comment, o resteem. Pero paano nila ito machecheck kung sa pagbisita nila sa iyong Profile ay puro nalang resteem? - Isa pang nakakairitang bagay.
Mawawalan ka ng Tagasubaybay
Ito ang magiging resulta sa mga bagay na binanggit sa taas, ititigil nila ang pagsusubaybay sa iyo sa kadahilanang binabara mo ang kanilang Home Feed. Kahit gusto nilang bisitahin ang iyong mga sulat, lahat ng nakikita nila ay mga resteemed na sulat sa iyong profile at medyo may kahirapan ang paghalungkat para lang makita ang iyong sulat.
May mas maraming rason pa diyan patungkol sa Pagreresteem ngunit ito lang ang naisip ko sa Ngayon.
Sana makatulong ito sa inyo mga kababayan kong Pilipino. Alam kong ang pagreresteem ng marami ay nakadudulot ng masama pero hindi naman ibig sabihin na itigil mo na ang pagreresteem. Ang punto lang diyan ay dapat limitahan mo ito at i resteem lamang ang mga karapat dapat na i resteem. Humihingi din ako ng tawad kung bakit napaparami nadin ang mga nireresteem ko na blogs, pumapasok na kasi ang mga professors namin sa Steemit :)
Kung ay mga katanungan, opinyon, reaksyon or suhestiyon kayo wag sanang mag-atubiling ilahad ito sa sulat na ito. Gagawin ko ang aking makakaya para masagot ang lahat ng katanungan ninyo.
Maraming Salamat
![](https://images.hive.blog/0x0/https://steemitimages.com/DQmcQGVXHnXQ3C9Mf77RT2WuWdyQhG1r7c2rRCfvv67SdXS/follow_jassennessaj.gif)
Photocredit : 1
nice bro. worth to read
Hi, jassen
Very Well Said..
more power,
@ranniesan
Sana magkaroon ng paraan pra lagyan ng dahilan ng nag-resteem kung bkit nya nireresteem ang isang post...
Galing! Informative and helpful.. Im following you I hope you'll follow back
Thanks for the info bruh! 👍