SANA TAYO NALANG.. (spoken poetry)

in #spokenpoetry6 years ago

20180831_172807.jpg

Pangit ba ako?
Yan ang tanong na di ko masagot-sagot sa sarili ko.

Mahal, alam ko na wala ng tayo,
Ang hirap aminin na hanggang sana nalang tayo.
Napakasakit isipin na kahit sa panaginip di mangyayaring maging tayo.
Dahil nga SANA nalang ang lahat ng ito.

Kahit gustuhin ko man na angkinin ka,
Di ko magawa dahil inaangkin mo siya.
Kahit paulit-ulit kong aminin sayo na gusto kita,
pero gusto mo siya.
Kahit gasgas na ang tainga mo sa kasasabi kong mahal kita,
pero mahal mo siya.
Kaya pasensya na, eh "TANGA"
di magawang di umasa na balang araw magiging tayo sana,
na magiging ako na,
kahit pa sa katotohanang ikaw lang at siya.

Sinubukan ko naman na aliwin ang sarili ko
para mawala ka sa isip ko,
ngunit kahit anong pilit ko,
ang bobo pa din ng utak ko, nagpapadikta ng puso.
Minsan nga tumingin ako sa iba,
Nagbabakasakaling magustuhan ko siya.
Makalimutan man lang kita kahit saglit,
Para 'yong "SANA TAYO NALANG" di ko na ipilit.

Di ko alam kung ano ang dahilan
Kung bakit kita nagustuhan.
Kahit alam ko na isa lang 'tong katangahan.
Kaya mahal, ikaw ay akin nang susukuan.

Oo, aaminin ko,
nasaktan ako.
Pero kahit nasaktan ako,
Masaya ako.
Masaya ako, makita ko lang na masaya ka
Kahit sa piling ng iba.

Pero mahal, pakakatandaan mo ito.
Pag siya nagloko,
wala na siyang babalikan na tulad mo.
Dahil 'yong sana tayo nalang,
siya na mismo ang mamimilit 'nun sayo!

Sort:  

you are great article

thank you so much.. hope you enjoy my writings.