Ating Intindihin ang Konsepto ng Upvote : Paano ito Tumatakbo sa Steemit?

in #steemit7 years ago

Ang Konsepto ng Upvote sa Steemit

Sa sulat na ito, nais kong masagot ang mga katanungan ng mga bagong Steemians at mga katanungan ng aking mga kaibigan sa aming mumunting komunidad sa Cebu. Naniniwala akong ang sulat na ito ay makakatulong sa mga bagong users ng Steemit na gustong matutunan kung papaano ba ang konsepto ng upvote bilang pagbibigay ng gantimpala sa Steemit. Narito ang mga katungan na ating tatalakayin :

  • Ano ba ang Upvote?

  • Magkano ang halaga ng isang Upvote? Paano ba kinokompyut ang value ng boto na meron ang isang user?

  • Ilang upvote ba ang pwede kong gamitin kada araw?

  • Paano kung lalagpas ako sa limit na ito? Anong mangyayari?

  • Paano ba ang Paggamit ng Wasto ng pag-upvote?


Ano ba ang Upvote?


Photocredit : @sndbox

Ang salitang "upvote" ay isang teknikal na termina na katumbas lamang ng "Like sa Facebook", "Heart sa Instagram" o sa madaling salita, ito ay "boto". Dahil ang Steemit ay "Incentivized Social Media Blogging Platform", kailangan natin itong maintindihan kung paano ang sistema nito sa Steemit.

Ang ating upvotes ay rewards/gantimpala sa mga users kung maglalathala sila ng kanilang mga sulat. Ang upvotes natin ay ang dahilan kung bakit may mga value ang ating mga posts. Kung walang upvote galing sa mga users, wala tayong matatanggap na kita sa ating mga sulat.


Magkano ang Halaga ng Upvote? Paano ito Kinokompyut?

Ang ating upvote ay napakahalaga dahil ito ang pangunahing rason kung bakit tayo kumikita sa ating mga sulat. Ang halaga ng isang upvote ay nadedetermina sa pamamagitan ng Amount of Steem Power o Vests ng isang user. Ang voting weight din ay nakakaapekto, kung magkakaroon ka kasi ng 1M Vests (nasa mga 500 Steem Power), bibigyan ka ng "voting slider" ng Steemit na kung saan pwede mong maadjust kung ilang porsyento ang ibibigay mo sa kabuuan mong upvote. Habang lumalaki ang iyong Steem Power, lumalaki rin ang halaga ng iyong upvote (tulad ko).

Ayon pa kay Steemit, ang Steem Power ay "Influence tokens which give you more control over post payouts and allow you to earn on curation rewards.". Kung papaano kinokompyut ang halaga ng upvote, mas mainam na pumunta nalang sa Steemnow.com at i-type mo ang iyong pangalan.


Ilang upvote ba ang pwede kong gamitin kada araw?

Ang isang user ay pwede lamang gumamit ng sampung full upvote kada araw. Ang ibig sabihin ng full upvote ay ginagamit mo ang 100% ng iyong Voting Power sa isang sulat/post. Sa mga users na hindi pa umaabot sa 1M Vests, automatic na 100% ang boto na ibibigay mo sa isang post. Kaya kada araw, mas maiging bilangin ang mga botong ibinibigay mo para magkaroon ka parin ng 100% Vp. Kung aabot ka ng 1M Vests (nasa mga 500 SP), ang Steemit ay magbibigay sayo ng "voting slider" na magbibigay sayo ng kapangyarihan na iadjust ang voting weight ng post mo.


Paano kung lalagpas ako sa limit na ito? Anong mangyayari?

Kung lalagpas ka sa sampung upvote sa isang araw (10), halimbawa nag-upvote ka ng 12 posts sa isang araw. Ang epekto nito ay ang iyong voting power ay nababawasan. At kung mababawasan ang iyong voting power, bababa din ang value ng iyong upvote.

Pero hindi dapat mabahala, dahil ma re-replenish din ito. Kada gamit mo ng 100% upvote (kung nagamit mo na ang sampu), mababawasan ng 2% ang voting power mo. Tignan uli ang Steemnow.com na ginawa ni @penguinpablo para malaman kung ilang oras ang kailangan mong ipahinga sa pag-uupvote para maging 100% uli ang voting power mo.


Paano ba ang Paggamit ng Wasto ng pag-upvote?

Ginawan na iyan ng @sndbox ng napakaperpektong paraan ng paggamit ng iyong upvote. Ang GIF na iyan ay napakatumpak at napakasolido pagdating sa pag-maximize ng iyong kita sa curation rewards. Kaya palagi kong sinasabi na kayo'y mag-upvote kung darating ang isang post sa ika-30 minuto :).


Courtesy : @sndbox by @voronoi and @hansikhouse


Maraming Salamat sa Pagbasa!

Nawa'y magbigay ito ng gabay sa inyo mga kaibigan. Kung may komento, reaksyon, o suhestiyon kayo sa sulat na ito, wag mag-atubiling ilahad iyon. Ako'y nagagalak na sagutin ang inyong mga katanungan.

Kung maaari, i-resteem ninyo ang sulat na ito para mas makita ito ng ibang Pilipino.

Maraming Salamat! :)


Photocredit : 1 2

Sort:  

Hindi ka Cebuano bro... And galing mong simulat nang Tagalog.

May paraan ba para ma adjust ang voting percentage kahit hindi pa aabot ng 500 ang SP?

Sa tingin ko meron. Pwede mong i set ang iyong voting power via Steemvoter o kaya gagamit ka ng Steemauto :)

Wow thanks lodi

ate @smaeunabs pwede syang mai adjust sa busy.org kahit di pa 500 ang SP.

Wow thaks for the @tpkidkai!

wala pong anuman 😇

sobrang laking tulong nito. ang dami kong tanong sa isip kung pano yung ganyan pano yung ganito. mga dapat gawin. thank you sa tips master! di muna kita iupvote wait ko pa after 30 miins lol!

Wahahahahahahahahahah. Laughtrip po yan. Maraming salamat! :)

hahahaha. yan kasi pinaka natandaan ko e. pero ang galing mo magtagalog :)

Galing naman. Napakasayang tingnan na marami na ang gumagawa ng tagalig at cebuano post dito sa steemit.

masyadong kumpleto ang iyong paliwanag. ang mga tao sa paligid ko na sumali sa steemit din madalas makakuha ng mga bagay na ito.

Salamat sa info po. Follow po kita. Keep up the good work. More power po...

Di ko alam bakit pero natatawa ako ha ha pero ang galing!

@jassennessaj, Sir naka learn nakog gamay. Pero lodi kaayo imong tagalog as in! 👏🏻 Thanks sa info sir.

very good information friend. These concepts are very understandable, thank you forever, provide valuable information to the community.

you’re the best man!

di na pala ako pwede mag upvote. Pa resteem na lang muna lodi!

Salamat Master Jassen! Lodi!

pashare ako nito ha kahit nkakadugo ng ilong hahaha mkkatulong to sa mga newbies ayos!

Salamat kuya @jassennessaj . May gani naka basa ko ani nga post. Bag o pa baya mi nangapil ani og ubang klasmet nako. Salamat 😊

ibang bersyon ito... galling po

Maraming salamt sir naintindihan kuna gnun pla un ksi upvote ako ng upvote eh

Kya follow nlang muna kita hehehe nka sampo na ako ng upvote bukas nman hehehe

Subrang nakatulong yung Post mo salamat @jassennessaj

ang sarap magbasa ng tagalog lalo na sa impormasyon na kailangan mo.. haha! Thanks again... #1fun

brad, how can i join your group? I was able to read a post about you.. im new here. sugbu-anon daw ka? haha

very clear explanation
thanks for sharing @jassennessaj

Very helpful for the new beginners like me. Thank God you transalated it in tagalog para mas easier to grasp! haha