Ano ang Steemit? At Paano kumita dito?
Ang Steemit ay isang blogging at social media platform kung saan maaring mag-post ng mga original na likha ang mga users nito. Sa steemit kikita ka sa pag-babahagi ng talento, pagbibigay ng komento sa kapwa Steemit user, pag-sali sa contest mula sa mga kapwa user ng Stemit, at pati na din ang pag-upvote(o katumbas ng pag-like sa Facebook).
Sino ang nag-tayo ng Steemit at bakit?
Ang Steemit Inc. ay itinayo nila Ned Scott and Dan Larimer. Ang kompaniya ay naka-base sa New York City, America. Inilabas sa Internet ang steemit.com noong July 4, 2016.
Ang Steemit ay ginawa para bigyan ng pagkakataon ang mga ordinaryong mamamayan na kumita ng cryptocurrency(digital money) gamit ang kanilang talento mula sa pag-popost ng sariling gawa na mga articles, blog, tula, kwento, pag-gawa ng video sa pag-kanta, pag-sayaw, pag-tugtog ng mga instrumento, at art tutorials.
Ang daming pwedeng i-post diba? Well, hindi pa yan diyan natatapos dahil pwedeng-pwede din natin ibahagi ang talento natin sa pag-kuha ng litrato, pag-shashare ng mga recipe para sa mga mahilig magluto, talento sa panahi o pag-buburda. Maging pag-gawa ng mga eskultura, pag-buo ng robot at iba pang klase ng talento, kahit ano basta original na gawa mo ay pwedeng ibahagi dito at pag-kakitaan.
Anong klase ng rewards at saan galing ang mga ibinibigay sa social platform na Steemit?
Ang bawat halagang kinikita ng isang Steemit user ay galing sa kapwa niya Steemit user, o sarili nilang upvotes at nahahati naman sa dalawang klase ang mga rewards na maaring matanggap ng isang user, ito ay ang SBD at Steem Power.
Ano ang Steem Backed Dollar o SBD?
Ang SBD ay isang uri ng cryptocurrency o digital money na maaring ipag-palit sa iba pang uri ng cryptocurrency, halimbawa nalang ng BITCOIN. Kapag ang SBD ay naipag-palit na sa BITCOIN, pwede na itong i-palit sa pera ng Pilipinas gamit ang application na Coins.ph.
Balikan natin mamaya ang explanasyon sa Coins.ph app, mag-patuloy muna tayo sa pangalawang klase ng rewards. Alamin muna natin kung ano naman ang STEEM POWER?
Sa Steem Power nang-gagaling ang halaga na mai-aambag ng isang user sa pag-UPVOTE(o pag-like) sa isang post ng kaniyang kapwa user. Pwede din itong gamitin ng user para i-upvote ang sariling post o comment.
Ituloy natin yung binanggit kong Coins.ph kanina, ano ang Coins.ph…
Ang Coins.ph ay isang digital wallet. Sa ngayon, Coins.ph pa lamang ang digital wallet dito sa Pilipinas na tumatangap at nag-coconvert ng digital money tulad na BITCOIN. Dito, pwedeng ipalit ang BITCOIN kapalit ng PESO, at PESO kapalit ng BITCOIN. Walang bayad sa pag-download ng application na ito sa Apple at Google Play Store.
Paano i-cash out ang digital money na nasa loob ng digital wallet na ito?
Maaring i-cashout ang iyong digital money na naipa-palit na sa peso sa mga banko o remittance center. Napakadali lang gamitin ng app na ito!
Ngayong naintindihan na natin kung paano kumita sa Steemit at paano i-cashout ang digital money na rewards sa social media platform na ito ay alamin naman natin kung paano maging isang user o content creator. At kung… may bayad ba ito?
Gumawa lamang account sa website na steemit.com. Ang pag-sign up sa social media platform na ito ay walang bayad! Ang kailangan lamang ay ang talentong ibabahagi mo, cellphone o laptop, internet connection. At Coins.ph wallet account para mai-cash-out ang posibleng kita.
Sa kasalukayan, may limang daan ng Pilipino ang aktibo sa Steemit. At madami na sa mga kababayan natin ang nag-tagumpay sa pag-babahagi ng kanilang mga natatanging kakayahan sa social media platform na ito. Kabilang na dito ang mga bumubuo sa isa sa mga aktibo at matagumpay na komunidad sa loob ng Steemit, ito ang Steemph.
Ano ang Steemph?
Ang Steemph ay isang non-profit na organisasyon taglay ang apat na pangunahing layunin:
Mision:
- Ibahagi ang STEEMIT platform sa pamamagitan ng pag-kakawang gawa.
Nais ng Steemph na bumuo ng isang matatag na komunidad mula pag-suporta sa pag-papaunlad ng iba pang mga grupo sa loob at labas ng Steemit. Sa mga paraan na gaya ng mga sumusunod:
Pamamahagi ng mga libro, pag-bibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan, pag-punta sa mga tahanan ng mga inabandunang mga bata, lolo at lola. Ang mga gawaing ito ay ilan lamang sa mga proyektong pag-tutuunan ng pansin sa loob ng komunidad ng Steemph. - Iparating sa nakararami ang Steemit sa pamamagitan ng pakikipag-isa sa mga media outlets sa larangan ng babasahin, web, radyo, at telebisyon.
Nais din naming dumami ang mga taong mabibigyan ng pagkakataon na makilala ang Steemit. Silang mga nasa loob pa ng ibang social-media platforms gaya ng Facebook, Wordpress, Tumblr, Twitter, Instagram at iba pa— para mai-share ang mga biyayang taglay ni Steemit sa mas malaki pang bilang ng mga Pilipino. - I-guide ang mga baguhang Steemit users.
Sa tulong ng mga activity na unang nabanggit ay inaasahan naming makakahikayat pa ang mga ito at mas marami pa sa ating mga kababayan ang gagawa ng account sa Steemit. Dahil dito, ang Steemph ay handang sagutin ang mga tanong, at ibang pang kailangan, para mapatibay ang pag-tutulungan sa loob ng komunidad. - Magbigay inspirasyon sa mga Pilipino na gumawa ng mataas na kalidad na mga post. Isa sa mga proyektong ginawa para dito ay ang #artguildph na nasa ilaim ng curation, at may mga pa-contest na pwedeng salihan ng mga may talento sa pag-gawa ng art.
Vision:
Mapalawak pa ang komunidad ng mga Pilipino sa Steemit sa pamamagitan ng mga gawaing mag-papatibay sa samahan ng mga Pilipinong Steemit bloggers.
Ilan sa mga kaunaunahang proyekto na sinuportahan ng Steemph mula noong taong 2017…
STEEMPH in Action: First Mission- #HelpMarawi
Project Alinaga: Arts and Music Therapy/noong Sept.23,2017/sa Cecilio Apostol,Caloocan City
World Food Day/noong Oct.15,2017/ sa Mandaue City, Cebu
Project Alinaga: Music And Arts/noong Nov.21,2017/ sa De Lasalle University Dasmariñas, Cavite
STEEMPH outreach for Typhoon VINTA in Cagayan De Oro/noong Dec.26,2017/sa Macasindig Evacuation Center, Tambo, at Barangay 13 La Consolacion
Ang pamilya ng Steemph ay hindi lamang binubuo ng mga Malinenyo. Bukod sa steemph.manila na para sa mga siyudad sa loob ng metromanila at karatig probinsya nito ay nakarating na din ang Steemph sa malalayong probinsiya ng Pilipinas. Meron na ngayong steemph.cebu, steemph.iligan, at kailan lang ay nabuo na din ang steemph.davao.
Paano magiging isang miyembro ang isang Pilipinong Steemit user sa komunidad ng steemph?
I-download lamang ang app na Discord at gamitin ang inivitation na ito… https://discord.gg/dmj99yB para makapasok sa chat group ng Steemph.
Sa chat group na ito, pwede mag-post ng links, mag-promote, makipag-kilala sa mga kapwa Pilipinong Steemit blogger. Doon maari kang tulungan at i-assist ng isa sa mga Steemph members. Ang Discord ay hindi lamang simpleng chat app, ito ay may voice channel kung saan hindi lamang pag-chachat ang maaring gawin. Madalas ay may kantahan ang mga users nito. Madalas nagkakaron ng mga palaro gaya na lamang ng Pinoy Henyo. At ang bawat palaro ay ito may SBD na naghihintay para sa mananalo.
Ang Steemph ay hindi lang isang ordinaryong grupo dahil pamilya ang turingan sa bawat isang miyembro sa loob nito. Walang qualification para makapasok. Voluntaryo din ang pag-sali sa mga charity at outreach event, walang pilitan. Nais lang namin ay isang positibo, masaya at may respetong samahan mula sa mga core hanggang sa mga bagong Steemit user.
Sana ang simpleng video na ito ay nakatulong sa inyo na maintindihan ang social media platform na Steemit. Napakalaking tulong ng webisite na ito sa mga kababayan nating Pilipino na naghahanap ng lugar kung saan malaya tayong is-share ang mga hilig o talento natin, at maari pa nating pagkakitaan ito. Kaya hihintayin namin kayo na gumawa ng account at sana ay makasama din namin kayo sa komunidad ng Steemph.
Hanggang sa susunod na video, paalam muna sa ngayon! <3
Sobrang nakakaproud ito twinny! Eeee!!!
Salamat twinny. Sinundan ko lang yung mga gawa mong guides.
Ang galing galing naman! Ang husay nito, @monkeypattycake! ❤
Salamat po sa pag-appreciate at pag-share.
This is absolutely worth sharing. 😁
🤗 Shy pa me ng konti. Pero sana mameet din po kita soon.
Good job @monkeypattycake Steemit is the way to go kabayan!
Tama. Sana mapanuod din ito ng mga kabayan nating wala pa dito sa Steemit.
amazing work po.. like and upvote it. ill resteem din po
Uy! Salamat po sa pag-resteem.
Great post! I'm resteeming it.
Thanks po. Sana po makatulong sa mga newbie at sa mga darating pang Filipino sa Steemit.
Super galing @monkeypattycake!
We distributed this around in facebook and also to a few friends who are new to steemit. We should include this in Steemit Philippines web page, will that be okay with you?
Thanks po. Para po talaga sa Steemph yung video kay Lola ganda po galing ang idea sa pag gawa nito.
thanks so much patty :) newbies will love this.
Proud pinoy!💪🏽 1st day ko po being a steemian. Malaking tulong po yung video nyo. Thank you :)
Hello! Taga san ka? (Required po dito dance video) haha joke lang. Nasa steemph discord server kana po ba?
Taga Pangasinaaan , tot tot tootot tot tot totttt 🕺🏻😂 . Wala pa po eh.
Punta kana dun tapos pakilala ka po pag nagkatagpo tayo dun. Masaya dun!
Yup nakajoin na ako
Di lang siguro tayo nagpapangabot pero see you there...
Grabe, this is just too good. Covered lahat! I finally had a chance to watch the full video this morning. Kahit hindi ka pa nag-agree @monkeypattycake, gagamitin namin video mo sa Steemit UAE meet up namin sa Saturday ha... Salamat in advance. hehe
Go lang po. Salamat po sa pagpromote ng Steemit diyan sa UAE ang sipag niyo po sana lumawak yung pamilya ng Steemians diyan, sana magjoin din sila sa @steemph. See you po server!
I'm there every once in a while, hindi na nga lang kasing babad katulad dati... too much on my plate already. Hehe. We'll slowly migrate the uae chats to discord pretty soon.😉
Yun! Pasok po sila. We are happy to meet them.. #excitedname
Thank you for this. It’s now a lot easier to explain steemit to my friends and relatives. 😊
Salamat din kabayan. Tama share lang po natin ang blessing nh Steemit sa mga kakilala para mapuno na to ng mga Pilipino, malaking tulong din kasi lalo na adik tayo sa Social Media why not pagkakitaan kung pwede pala. <3
salamat po.
although english is my 2nd language (illocano my 1st), when i started reading this, iba pa rin talaga ang tagalog. lalo ko po naintindihan. hehehe! love love po! salamat ulit sa pag share. dahil dito, knowledge boost! yehay!
Uy saan probinsiya mo dun sa norte? Salamat at nakatulong sayo. Share mo lang yung video sa mga kaibigan na gusto mo din magjoin dito sa Steemit, mas marami mas masaya! Love love love <3
Mahusay
Hi sir. Pwede niyo po i-share yung video sa mga gusto nyo ipa-sign up na Pilipino.
Salamat... Mahusay ang iyong ginawa... Mapapadali ang explantion ko
Wow! Very well presented! Thank you for this.
Ay! Salamat po sa panunuod..
Wow! Ang husay ng pagkabahagi nito.
Salamat po. Please share sa mga target para mag sign up.
Maraming salamat sa post na ito 😇 @moonpattycake
Salamat din sa panunuod
lucky
yay! a new one from pattycake! :) but oh no, reverse nose bleed! paki ulit sa english.
Haha baliw ka kuya Chinito. Stop making my Steemit life hard. Wait wheres @jazzybells I need an SOS for English trans
:P i just teasin' u.. it's good to see u post na!
Haha ikaw talaga.. I need a date with ate jazy. May I date her?
Very nice campaign, ganda ng format. :)
Thanks sa support always 🤗😙
Well done ang galing ang ganda Madam! 👏
Uy salamat sa panonood @dearjyoce
Very well explained!! Galing!
eh sobrang galing!
Ikaw ba si Ron Diaz sa Fb?
opo atih! :D
Praise the Lord, ang galing talaga kabayan. Tuloy tuloy lamang sa pag steemit! 😍
😊 Thank you Lord sa Steemit at mababait na Steemian na kaibigan gaya mo. Salamat nagustuhan mo.
Nice idea po...makajoin nga sa steem chat.
Para matuto din ako ng more more more...
Thanks sa guide...maraming maaassist dito.
Yup. Masaya po dun as in buhay na bihay ang community. See you there! Message ka po pag andun kana kasi malilimutin ako sa username. Tiga san ka po?
From Cagayan Valley po ako, region 2, Quirino Province po.
Salamat po sa well elaborated explanation sa ating lengwahe. 😃
Salamat din nagustuhan niyo. Para po ito sa mga future sign up, ako kasi nahihirapan din magpaliwanag.
buti may mga gumagawa ng "how to" or info about new apps or new platforms. Minsan kasi akala natin common knowledge pero marami pang hindi nakaka-alam
Nakakamotivate kasi ang Steemit at madami ng natulungan kaya worthy siya bigyan ng effort na i-share sa iba. Lalo dito sa atin na active sa Social Media, madali nalang ito matatanggap ko madali nilang maiintindihan.
Galinggg. :) thanks for this @monkeypattycake! I'll share this to my friends :)
Salamat sa pagshare. Sana maconvince sila para dumami pa tayong mga Pinoy dito. PUSH!
Mabuhay, @monkeypattycake! Malinaw na pagbabahagi ng kaalaman at karanasan ang sinasaad sa artikulong ito. Kapakipakinabang... Maraming salamat po! ^^
Be inspired by miracles and moments of magnificence in When Your Presence Is Enough... Enjoy your day!
WOW! Na-uncover mo talaga yung mga questions ko about steemit :) By the way, newbie here.. I will keep reading pa para mas malaman ko pa kung paano ba talaga dito. Medyo confused pa kasi ako eh :D :D
Hello para po makilala nyo pa ang ibang pilipino sa Steemit, please join steemph community at discord. Just click this invite https://discord.gg/Y58qQDD Sana po makatulong sa inyo, masaya po diyan kasi if ever may question kayo masasagot po ng online na kabayan. Salamat sa pag appreciate