Mahina ka
Hindi totoong
magtatagumpay ka,
Tanggapin mo nalang ang katotohanang
wala kang patutunguhan,
Wag kang maniniwala sa sinasabi ng iba na
matalino at magaling ka,
Alam mo sa sarili mo na
mapurol ang utak mo,
Itigil mo na yang pagpapanggap mo na
mahusay ka at may ibubuga,
Hindi mo ba nakikitang
nahihirapan ka na,
Wag mong isiping
hinahangaan ka nila,
Alam mo namang
wala kang halaga,
Lagi mo pa ring iniisip na
matatag ka pero
Ang totoo
Sobrang pagod ka nang patunayan ang sarili mo kasi
Ginagawa mo pa rin ang lahat kahit
Ilang beses ng pinamukha sayong hindi ka magiging sapat,
Hanggang ngayon lumalaban ka pa kahit
Mula pa noon
Talo ka na
Makinig ka sakin at hindi sa tinig na nagsasabing
Kaya mo pa.
(basahin ulit pataas)
@belle22 ,mahusay..ipagpatulog mu LNG..
upvoted..
Nice @belle22.. upvoted..😁
@belle22 you have the talent keep it up.
Dear steemer,
nice post and I followed you :) Please follow me :)
Thank you :) i followed you :)
Upvoted! :)
Thanks :)
thanks for posting steemitdavao tags,
upvoted and resteem your post
napakagaling. upovoted.