Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon -- Sa Dakong Tahimik at Walang Gulo πŸ˜‰

in #steemitdora β€’ 7 years ago

image1.jpg

Matagaltagal na ring panahon ang lumipas magmula nang huli akong nakapagdesisyon na sumama sa paglalakbay. At ngayon ay maglalakbay ako ulit sa dako paroon. Sa dako kung saan tahimik at walang imik ang mga taong nakahimlay dito at sa tanang buhay ko ay iilang beses pa lamang ako nakapunta sa lugar na ito at wala rin akong balak na pumunta dito ng madalas. Ayoko! Pumunta kami sa dako kung saan binisita namin ang isang dating kaibigan, kaklase at kasamahan sa Scout; ang aming commandant na si Jomar. Sumakabilang buhay na kasi siya sa edad na labing-siyam. Siya ang class salutatorian namin dati at nag-aral siya ng accountancy sa MSU. Oo, isa siyang matalino, guwapo't responsableng tao at nakitaan din siya ng katangian ng pagiging isang magaling na lider. Hindi namin inaakalang mawawala pala siya agad-agad kasi malusog naman siyang tao, masiyahin at parang walang iniindang sakit sa katawan. Pero siguro ganyan talaga ang buhay, hindi nauubusan ng sorpresa at minsan ang mga sorpresang ito ay magdudulot ng maganda sa atin at minsan rin naman ay kalungkutan ang hatid. Ang higit na magandang gawin ay parating maging handa sa anumang sitwasyon at pagkakataon. Ngunit kahit na nagdaan man ang mga buwan magmula nang siya ay inihatid sa kanyang huling hantungan ay hindi pa rin namin siya kinakalimutan at naisipan namin siyang bisitahin noon sa kanyang puntod. Siyempre kumuha kami ng mga litrato sa loob ng sementeryo at nagtagal rin ng halos isang oras doon. Lumisan man siya sa mundong ito hangad pa rin namin ng mga nakakakilala sa kanya ang kanyang katahimikan saan man siya naroroon ngayon.


Matapos naming pumunta sa sementeryo ay dumiretso kami sa isang pizzeria at kumain syempre. Nagkakwentuhan ng mga bagay-bagay at nagbibiruan. Kung ano-ano lang ang mga pinag-uusapan namin at halos di makapagsalita dahil sa kakatawa. Hindi man halata, may pagka joker din ang mga kaibigan ko lalo na si Mylabelle. Walang dull moments pag sila yung kasama tapos idagdag mo pa yung fact na may pagka immature din minsan pero pag mga usapang seryoso naman ay maaasahan mo silang magbibigay ng seryosong komento din. πŸ˜„

image.jpg

new.jpg

Pagkatapos naming kumain ay nag joy ride kami. Isa-isa kaming hinatid ng kapatid ni Meriju sa aming mga tahanan. O diba, naka save pa sa pamasahe hahahaha. Siguro hanggang dito na lang. Sa susunod ulit na paglalakbay kapwa ko Steemians. πŸ˜„



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif



Maraming Salamat sa Pagbisita !!!

Sort: Β 
Β 7 years agoΒ (edited)Β 

I don't understand language but I these pics are very nice!!! It seems like fun!!!

Thank you for taking time to drop by even if you didn't understand the whole post :)
Yes, indeed were having fun.

Sis @jennybeans tagal ka naming hinintay. Hehehe
Buti naisipan mo rin makisabay sa paglalakbay. πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€
Sigurado ako masaya na kaibigan niyo ngayon. Lalo na at siya ay binisita niyo at di niyo nakakalimutan. Yan ang tunay na pagkakaibigan. πŸ˜€

Yes sis @shikika finally nakasama na rin sa inyo sa paglalakbay hehehehe..... Sis mas ok na yung kami ang bumisita sa kanya kesa siya ang bumisita sa amin.... Nyahahaha

Β 7 years agoΒ (edited)Β 

Hehehe. Dapat makompleto ang isang buong linggong paglalakbay sis. Meron konting regalo si @steemitdora sa makakompleto. Lols πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€
Hahaha. Dami ko tawa saiyo sis. Buti hindi kayo ang dinalaw. Hahaha
Patawad po da kabalbalan ng bibig ko. πŸ˜€

Hahahha, sis... Sige susubukan kang ma-kompleto ang isang linggong paglalakbay :)

Hahaha. Magsimula ka na ngayong linggo sis. Ngayon kasi ang umpisa ng isang buong linggo. πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€