Istorya-Tula

in #steemitfamilyph6 years ago (edited)

image

Isang gabing madilim,
Ako'y nakaupo sa mumunti kong upuan,
Pinagmamasdan ang liwanag ng mga bituin na bumabalot sa kadiliman ng kalangitan
Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin

Sisimulan ko sa simula,
Sa simula kung saan tayo unang nagkakilala
Noong di inaasahan ang pagdantay ng mga kamay sa palad ng iisa
Noong unang pagkakataon na nagtugma ang ating mga mata
Mga matang nagsasabi, ako'y lingapin mo
Dito, sa mundong tayo lang ang nakakaaalam
Oo, sa mundong tanging ikaw at ako lamang

Minamasdan sa kalayuan, mga ngiti mong 'sing liwanag ng kalangitan,
Labing 'sing pula ng rosas,
At mga matang 'sing linaw ng asul na karagatan

Ngunit ako lang ba?
Ako lang ba itong tila sirang plaka na patuloy na isinisigaw ang awit ng pagsinta?
Ang awit na patuloy kong iparirinig sa bingi mong puso

Ako'y nagtapat, mga daliri'y di mapakali
Hindi ang iyong sagot sa pusong nagsusumamo
Tila ba isang perang pinunit sa kalagitnaan ng kagipitan
Isa, dalawa, tatlo ika'y lumisan at hindi na muling nagpakita

Kasabay ng malakas na pag ihip ng hangin,
Mata ko'y minulat at sinulang baguhin ang istorya ng ating buhay

Sort:  

Kapag ang puso ay nabasted
Buhay ay parang napated.
Ayos lang iyan kaibigan
Marami pa namang isda sa karagatan.

"Yan ang payo ng mga kaibigan ko sa mga nababasted na tao. Yung mag-isang umiibig o kaya naman ay nasa sulok lang nag-aabang."