Gumuguhit at nagsusulat hawak hawak ang tanging plumang gamit,
Plumang kapag hawak hawak ang tanging naiisip ay ikaw.
Bubuksan ko kahit sandali ang tinta,
At saka ko isusulat sa papel ang mga salitang “Ikaw ang aking Sinta”.
Kahit pa marami ang makakita ay walang kaba ang madarama,
Dahil kahit gaano pa karami ang balahibo nang pluma,
Yun din ang ilang beses na kaya kong sabihin sa iyo na “Mahal Kita Sinta"
Hinahalintulad kita sa isang pluma,
Dahil kahit balahibo nito ay saan pa may naglalagas rin.
Tulad nang unti unting pagbawas ng pagtingin mo sa akin,
At kayang kaya mo akong iwanan lang rin.
Ang tulang ito ay sayo lang iaalay sinta,
Tulad ng paghahalintulad ko sayo sa aking paboritong pluma.
Na ang ibig sabihin ikaw lang rin ang nais ko,
Ikaw ang natatanging hinahanap at paborito nitong puso ko.
Grabe ang sakit @noyyee yung pagtingin.
Ikaw naman ay parang tinta ng pluma.
Kapag iniwang nag-iisa
Di mo mapapansin ikaw ay tuyot na.
Ni resteem ko nalang muna. Mababa na ang VP ko eh.
Hahaha napakagaling mo talagang ma comment @tagalogtrail haha maraming salamat!
Nyahahah salamat mema comment lang talaga ako dyan. Impromptu na tula. Salamat sa inspirasyon dun!