"The family that prays together, stays together"
Marami man pagsubok ang dumating sa pamilya namin, eto kami masaya, magkakasama at may matatag na pananalig sa Dyos.
Mayo noong isang taon ng makaramdam ang aking papa ng pananakit ng bewang, halos hindi makatayo at lagnat na lagnat. Isinangguni namin siya sa isang espesyalista at nalaman namin na mayroon siya bato sa bato. Ang parehas niya bato ay nasa malala ng kundisyon. Kinailangan nya isailalim sa "shockwave" isang modernong paraan upang durugin ang mga bato sa bato.
Halos umabot ng P60000 pesos ang naging bayarin namen sa ospital noon. Lahat ng ipon namin pinagsama saman namen para lang mabayaran lahat ng gastos. Matapos namen makalabas sa ospital, hindi pa rin namin mawari ang nararamdaman ng aming ama. Tila ba mayroon pa rin sakit na bumabagabag sa kanya.
Hangang sa makaraan ang isang lingo, patuloy pa rin siya nilalagnat, hindi makakain at maghapon nakahiga lamang. Kaya kahit wala na kame alam na pagkukuhanan ng pera pinilit namen siya dalhin sa duktor. At doon namin nalaman na nagkaroon na pala siya ng bayrus, bayrus na nagmula sa pagkakashockwave sa kanya. Kinailangan nya manatili sa ospital at umabot ng isang buo linggo. Hindi namin akalain na aabot sa P100,000 pesos ang aming pagbabayaran sa ospital. Dahil ito sa mga antibiotics na itinurok sa kanya. Halos manlumo kaming lahat noon, hindi namen alam kung papaano, saan at kanino kame hihingi ng tulong. Mahirap lang kame at hindi kakayanin ang ganoon kalaki halaga. Kung kani-kanino kame lumapit, umiyak at lumuhod para lang makahinge ng tulong.
Halos mawalan na kame ng pagasa, hindi kame nakakain. Pilit namin pinapalakas ang loob ng aming ama, naiisip kasi niya na kung hindi dahil sa kanya hindi sana kame namomroblema ng ganoon. Hindi kame tumigil sa pagdadasal sa Dyos. Sa kanya kame lumapit ng mga oras na nawawalan na kame ng pagasa. Hindi kami bumitiw sa kanya kasi alam namin hindi niya kame pababayaan.
Hangang sa dumating yung oras ng himala. Alas9 ng gabe, ng bigla tumawag ang aking kuya at sinabi pinahiram siya ng kanyang amo ng P100,000 piso. Halos hindi kame makapaniwala, sino ba naman ang magpapahiram ng ganoon kalaki halaga agad agad. Wala kame sinayang na oras, halos minuminuto nagpapasalamat kame sa Panginoon. Wala talaga imposible basta maniwala ka lang sa kaniya.
--mababakas sa mukha ng aking ama ang saya.
Hangang ngayon, nasa maayos na kalagayan ang aking ama, kahit na hindi pa maayos ang kanan bato niya. Pilit kami nananalig na sana tuloy tuloy na ang kanya paggaling.
Hinihinge ko rin po ang inyong suporta at panalangin para sa tuluyang paggaling ng aking ama.
Maraming salamat.