Likas na ugali sa buntis na hayop na maghanda ng tahanan para sa paparating na bagong silang; ito ay kaparehong ideya sa likuran ng @steemnest. Sa pagdagsa ng mga bagong sign-up matapos ang walang humpay na pagsisikap ng SteemPH upang maipakilala ang Steemit sa aming mga kapwa Pilipino, pakiramdam namin ay responsibilidad naming na gumawa ng unang tahanan para sa mga bagong Steemians.
Kahalintulad ng nasa pugad, sila ay patitirahin sa ligtas ng kapaligiran, bibigyan ng mahalagang kaalaman kung papaano magsisimula ng kanilang paglalakbay sa Steemit, tutulungan sa kanilang mga katanungan sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang mga komento sa kahit saan mang @steemnest post, at makisalamuha sa kapwa baguhan at batikan sa steemit. Ang @steemnest ay proyekto ng @steemph na naunang naglalayon upang tulungang itaas ang antas ng gawa ng mga Pilipinong Steemians. Ang Steem, bilang isang blockchain, ay pinahihintulutan tayong alisin ang mga hadlang at buksan ang proyekto para sa lahat ng Steemians kahit ano pa man ang nasyonalidad, bansang pinagmulan o kinaroroonan. Lahat ay maaaring matuto at mag-ambag gamit ang #steemnest tag.
Paano Nakakatulong ang @steemnest?
Steemit Basics
Sa mga susunod na araw, kami ay maglalathala ng detalyadong panunuri ng Steemit interface. Ito ay post na laan para sa talagang baguhang mga. Ito ang mga bagay na sana ay nalaman naming nung kami ay nagsisimula pa lamang sa platapormang ito. Ang link ng post na iyon ang gagamitin para sa promotional meet-ups sa hinaharap. Ito ay magiging kapakipakinabang sa mga bagong sign-ups. Ito ay susundan ng isa pang post na magbibigay ng pagsusuri ng ibang mga platapormang konektado sa Steem blockchain, katulad ng utopian.io, busy.org, chainbb.com, at kung ano-ano pa.
Tutorials
Tutorials ay gagamitin para sa mga gawain, na nangangailangan ng direksyon tulad ng pagboto ng Steem Witnesses, pag-gamit ang Internal Market, at pag-power up.
Paglikha ng Nilalaman
Kasama rito ang nakatutulong na pangaral at mungkahi kung papaano lumikha at mag-ayos ng mga post. Ang aralin sa pagsusulat tulad ng pag-organisa ng nais sabihin, paglikha ng ideya at balarila ay parte nito.
Tips at Tricks
Mga payo mula sa mga batikang Steemians. Mga likhang nagbibigay ng mahalang kaalaman kung papaano umasal sa Steemit, mga ibang paraan upang kumita habang nagsasaya kahalintulad ng pagsali sa patimpalak at paglahok sa Steemgig, o na riyan ng kalapit na kumonidad at mga kagustuhan.
Kami ay magkakaroon ng lingguhang post tampok ang likha na pinaniniwalaan naming makatutulong sa mga bagong sign-up ang #steemnest bilang tag.
Introductory Post translated to Tagalog by @greymonolith