Magandang Buhay mga Kababayan!
Dahil aming napapansin na maraming mga likhang Filipino sa Steemit ang hindi nabibigyan ng karampatang eksposyur, kami sa @Steemph.antipolo ay nagkaisa na bigyan sila ng pagkakataong makilala pa sa pamamagitan ng pagtampok sa mga likhang Filipino sa akawnt na ito.
Narito ang mga akdang aming napili para itampok sa araw na ito...
Unang akda na napili ay mula kay @lynbabe10
Mapapangiti ka na lang sa katotohanang hatid ng akdang ito. Panigurado, maraming makakaugnay sa hatid nitong mensahe. Kung babasahin mo tila isa lamang nakakatawang pagsasalay say ng isang millennial sa katotohanan ng salitang "seen". Subalit sa dulo ikaw ay gugulatin at gigisingin ng payo nitong dulot. Panalo rin ang mga larawang ginamit. Haha. Kaugnay ito ng mga teksto ng blog. Binabati ko po si Bb. @lynbabe10 sa kanyang akda
Ikalawang akda na napili ay mula kay @ amayphin
Ang akdang ito ni @amayphin ay sumasalin sa katotohanan ng tuwinang nararanasan ng mga mga bakwit sa panahon ng tag-ulan. Ang isang hindi naman talaga dapat na ordinaryong karanasan ay naging palagian ng gawi ng mga nasasalanta ng baha. Inuulit ko "ng baha". Minsan kahit wala ng bagyo, patuloy lang na pag-ulan, maraming lumilisan ng kanilang tahanan at nagtutungo sa mga evacuation center upang magpalipas ng baha. Naging handa na sila sa mga kaganapan. Ang mga Filipino ay matiisin, subalit gaya sa kwento sana ay mas isipin ng mga bakwit ang pangmatagalang solusyon para sa kanilang kalagayan. May mga relokasyon ng ibinibigay ang gobyerno para sa kaligtasan at pangmatagalang sagot sa kalunos-lunos nilang sitwasyon tuwing magbabaha. It oay di lamang para sa kalusugan kundi para sa mga buhay nila.
Ikatlong akda na napili mula kay @twotripleow
Isang akda na hango sa katotohanan ng buhay ni G. @twotripleow. Lahat tayo ay may mga "what if" sa buhay. Lahat tayo ay may mga nais sana balikan sa nakaraan para naiwasan sana ang maaaring nangyari o mas napag-igihan pa. Ano man ang naganap sa nakaraan ito ay bahagi na ng ating buhay. Hindi na mababalikan pa. Iyon ang pinakaakma mong desisyon ng mga oras na iyon. Ang mahalaga masaya ka sa ngayon. Sayang ang buhay kung mapupuno ka ng panghihinayang. Maiksi lang ang buhay. Wag natin ubusin sa mga "what if" at panghihinayang. maging masaya tayo at matuto sa mga karanadan ng nakaraan :)
Paano ba maitampok sa @likhang-filipino
Para mapabilang sa mga itatampok na post, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :
- Orihinal na akda lamang ang maaring isulat.
- Mangyaring gamitin lamang po ang tag na #likhang-filipino kahit hindi ito ang unang tag (dahil kami ay nasa estado pa lang ng pagtatanim, kahit anong tag ay pwede muna sa ngayon)
- Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
- Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
- Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aming pwedeng itampok. (Posts must be recent up to 4days old)
- Kapag naitampok na po ang isang awtor, siya ay sasailalim sa isang linggong cooldown period upang mabigyang daan ang iba pang manunulat na maitampok naman sa nasabing akawnt.
- Ang ating mga hunters ay mas magpopokus sa mensahe ng blog kaysa sa wastong gramatika gamit ng akda. Samakatuwid, kahit ang gramatika ay may mali, may pagkakataon pa rin po itong maitampok.
Ano pa ang hinihintay ninyo?! Tara na at magsulat sa wikang Filipino!
Salamat nang marami. Nga pala kamukha ni John Paul iyong Superman na pinoy hehe.
Congratulations @likhang-filipino! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes received
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - The results, the winners and the prizes
You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo
@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo