Sino mas mura GMA o ABS-CBN?

in #steemph5 years ago

GMA vs ABS-VL-1.PNG

GMA vs ABS-VL-2.PNG

Kung titingnan natin ang ating tinatawag na quantitative fundamental analysis ay makikita natin na halos lamang lang ng dalawang hibla ang ABS-CBN. Ngunit ang ABS-CBN ay mas maraming utang kay sa GMA at ang P/E Ratio ng GMA ay mas mataas kay sa ABS-CBN.

Bilang isang pang-matagalan negosyante (long-term investor) mas bibigyan mo ng halaga kung magkano ba ang dibidendong binibigay nila sa kanilang mga namumuhunan (stakeholders) taon-taon. Sa kasalukuyan, ang ABS-CBN ay makapagtala ng dividend na 0.55 per share noong 26-Mar-2019 at ang presyo sa araw na yon ay 21.35 at lumalabas na ito ay 2.58% lamang. Subalit ang GMA ay nakapagtala ng mas mataas na dividend sa 0.45 per share noong 14-May-2019, ang ang presyo sa araw na yon ay PHP 5.18 at ito ay lumalabas na 9% at ito mas mataas ng husto kaysa sa ABS-CBN.

Sa tinatawag naman nating qualitative financial analysis naman, halos pantay lang sila, subalit datapwat ang ABS-CBN ay may problema sa kanyang prankesa, ito ay may tagal na lamang hanggang March 30, 2020. At dahil sa ang ABS-CBN ay kilalang kinalaban ng ating kasalukuyang Pangulo na si Duterte, ito ay tagilid ang lagay na baka hindi ma renew ang nasabing prankesa.

Ngayon balikan natin ang tanong kung sino ang mas mura ay depende yan sayo. Kung pang-matagalan ka na mamumuhunan, at dahil sa mas mataas na P/E Ratio, mas mataas na dibidendo at mas kakaunting utang mas pipiliin mo ang GMA kasi ito ang mas magbibigay ng mataas na kita sa iyong puhunan.

Ang nagiging problema ko lang sa GMA7 may mas maraming namamahala at hindi sila solido sa kanilang samahan, ilang bases na ito naudlot na ibenta sa ibat-ibang negosyante subalit ito ay hindi natutuloy. Ano ang garantiya bilang isang mamumuhunan na ito ay hindi matutuloy sa hinaharap? Kung matutuloy kasi ang mabentahan, dalawang bagay ang maaring mangyari tataas ang halaga ng puhunanan mo o bumaba (dilution), na yong ang kadalasang nangyayari at ang ikalawa sigurado ka ba na ang kasalukuyang pamahala ay ganun pa rin sa bagong mag mamay-ari nito.

Bisitahin ang link na ito para sa kompletong detalye.

ABS-CBN: https://steemit.com/steemph/@php-ph/abs-cbn-broadcasting-corp-abs GMA: https://steemit.com/steemph/@php-ph/gma-network-gma7

DISCLAIMER: I'm not a Certified Financial Planner. Published herein is my personal opinion and should not be construed as a recommendation, an offer, or solicitation for the subscription, purchase or sale of these securities.

Please upvote and follow me on https://steemit.com/@php-ph.