Kusina ni Nanay Romeskie | Kanin

in #steemph6 years ago

image

Dito sa Pilipinas, pangunahing pagkain na makikita sa hapag kainan ang kanin. Kadalasan, kahit na anong sarap ng ulam ay kulang pa rin kapag walang kanin. Hindi sagad ang sarap ng tinola kapag hindi ito isinasabaw sa kanin. Kulang ang dating ng sinigang kapag walang kanin. Hindi ka gaanong masisiyahan sa sarsa ng mechado kung walang kanin na kasama ito.

Siyempre ibang kaso sa mga no rice diet. Pero sa bahay namin, kanin is life! Noong kabataan ko, nakukulangan pa ako sa tatlong rice sa mcdo lalo kung two piece chicken ang ulam ko. Lalong lalo naman sa KFC, sabawan ko lang ng gravy ang kanin ko, hindi ko na namamalayan na napaparami na pala ako ng kain.

Pero napakamahal na ng bigas ngayon. Minsan ay gusto ko nang mag no rice diet na rin. Pero sadyang may matinding kapit sa aking panlasa ang kanin. Laya naman bawat butil ay sinisigurado kong hindi naaaksaya. At nitong nakaraang mga buwan lamang ay natuklasan ko ang pinakamabisang paraan ng pagsasaing.

Hindi sa rice cooker ang tinutukoy ko dahil wala naman kaming ganon. Manu-manong pagsasaing ito.

Dahil kaunti lamang kami sa bahay, isa't kalahating gatang lamang ang isinasaing ko at sapat na iyon sa buong araw, kasama na ang baon ni Tatay sa opisina.

Hugasang maigi ang bigas. Huwag mong itatapon ang pinaghugasan nito dahil maganda itong pandilig sa mga halaman.

image

Sukatin kung gaano karami ang bigas gamit ang iyong mga daliri.

image

Kung gaano karami ang bigas ay ganoon din dapat uto kalubog sa tubig. Lagyan ng tubig ang bigas. Ituntong ang dulo ng daliri sa ibabaw ng bigas at kung gaano ang sukat nito sa iyong daliri ay ganoon din dapat ang tubig na iyong masusukat.

image

At ang pinakaimportanteng parte ng pagsasaing ay ang lakas ng apoy na iyong gagamitin. Dati ay malakas ang apoy na ginagamit ko kapag nagsasaing. Hihinaan na lamang ito kapag kumulo na ang sabaw ng bigas at umapaw ito. Pero dapat pala ay mahina lang ang apoy mula sa simula.

image

Aalsa nang husto ang kanin sapagkat dahan dahan nitong masisipsip ang tubig na iyong inilagay. Hindi ito aapaw dahil hindi ito kukulo nang biglaan. Kung dati ay lampas dalawang gatang ang isinasaing ko kada araw, ngayon ay isa't kalahati na lang.

Namangha talaga ako sa dami ng kanin na kinalabasan nito. At lalo akong namangha sa natitipid ko buwan buwan. Maliit lang ang kalahating gatang kada araw na matitipid pero kung susumahin sa isang buong buwan ay napakalaking bagay talaga.

Subukan mo rin. Malay mo, makatipid ka rin.

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Napahanga ako sa pamamaraan no ng pagsasaing sis @romeskie, susubukan ko ito sa susunod na pagsasaing ko.

Haha.. Effective yan sis. Balitaan mo ko. Hahaha. Maganda yan sa pangmultitasking kahit walang rice cooker.

Congratulations! Your post was choosen as our Featured Post today. You can visit @steem-mom to check our latest post.

Come and Join the @steem-mom slambook.


Click image