Kusina ni Nanay Romeskie | Pininyahang Manok

in #steemph6 years ago

Magandang buhay mga kapatid, Katropa, kapuso at kapamilya! Namiss niyo ba ang Kusina ni Nanay Romeskie? Sa katotohanan ay madalas bukas ang kusina ni Nanay Romeskie ngayon bilang ako ay isang stay at home mom na. Yehey!!!

Pero nakauubos pala ng enerhiya ang pagiginh full time Nanay! Katilad ngayon, masama ang pakiramdam ng inyong lingkod pero kailangan pa ring kumilos sa kabahayan at sa kusina para may kalinisan, kaayusan at higit sa lahat, may kakainin sa tanghalian at hapunan. Ngayong tanghali ay nagluto ako ng putaheng ngayon ko pa lamang naranasang lutuin. Ang Pininyahang Manok.

image

Kung mahilig ka sa Hawaiian Pizza ay malamang na magugustuhan mo ang ulam na ito dahil sa sangkap nitong pinya.

Simulan na natin ang pagluluto.

Mga Sangkap

  1. Manok
    Ibinabad ko na ang manok sa sabaw ng pinya nang buong magdamag para kumapit ang lasa nito sa manok.
    image

  2. Pinya (1/2 na tasa)
    Yung chunks ang binili para medyo malaki-laki ang mga pinya.
    image

  3. Carrots
    Diagonal daw ang pagkakahiwa dapat.

  4. Green bell pepper
    Kalahati lamang nito ang ginamit ko dahil napakamahal ng gulay ngayon.
    image

  5. Red bell pepper
    Malalaking cubes ang pagkakahiwa dapat.

  6. Sibuyas at bawang
    Maliliit lamang ang paghiwa.
    image

  7. Sabaw ng Pinya (1/2 na tasa)

  8. Gatas na evap (1/8 na tasa)
    Yung evap na gatas dapat. Hindi yung creamer. Kapag sinabi ng tindera na evap milk yung binigay niya, idouble check mo. Dahil sa kanya kaya ako nagkakaroon ng trust issues eh.
    image

  9. Asin at paminta

Paraan ng pagluluto

  1. Igisa ang sibuyas at bawang
  2. Isunod ang manok
  3. Kapag mamuti muti na ang lahat ng gilid ng manok, isunod na igisa ang bell peppers, pinya at carrots
  4. Sangkutsahing maigi.
  5. Ilahok ang sabaw ng pinya.
  6. Hayaang kumulo
  7. Ihalo ang gatas na evap.
  8. Timpalahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.

Hayaang kumulo nang mga isang minuto pa bago patayin ang apoy.

Komento ng mga Hurado

Nanay Romeskie: Ang tamis ng pagkakaluto, parang dessert!
Tatay Ritsard: Sakto sa panlasa. Hindi naman gaano matamis, tamang tama lang ang pagkakatimpla.
Ayapot: Nawirduhan siya sa lasa ng pinya. Hahaha

Susubukan ko ulit itong lutuin sa susunod na buwan, babawasan ko diguro ng sabaw ng oinya para hindi gaano matamis.

Hanggang sa muling pagbubukas ng Kusina Ni Nanay Romeskie!!!

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Wow sarap naman po nito ate rome 😋

Manamis namis dahil sa pineapple. Haha.



See your post featured here by @iyanpol12 on Foodie Friday, a community curation initiative by @SteemPh.

If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto