Hello mga kapamilya , kapuso at mga kapatid
Ang Recepi ko po ngayong tanghalian at chicken apritada. Madali lang po itong lutuin. Ito po ay May gulay na rin, kaya hindi lamang po protina na galing sa manok ang sustansya nito.
Mga Sangkap:
Manok 1kilo
Tomato sauce 200 grams
Tomato paste 2teaspoon
Asukal (depende sa panlasa)
Paminta 1/4 tbsp
Dahon ng Laurel 3pcs.
Carrots medium 2pcs.
Potato medium 2pcs.
Green peas 1/4 cup
Chicken broth
Panuntunan:
Timplahan ang manok ng paminta at asin.
Mag painit ng kawali. Lagyan ng mantika at iprito ang manok.
I set aside ang napritong manok. Sa kawaling pinag prituhan, igisa ang bawang at sibuyas.
Igisa ang kamatis.hayaang maluto ito hanngang sa maging mushy ang texture nito.
Ilagay ang chicken broth. Idagdag na rin ang carrots at potatoes, dahon ng laurel. Haluin ito.
Ilagay ang tomato sauce at tomato paste.
Haluin ito.Timplahan ng asin, paminta at asukal.
Ilagay na pritong manok sa sauce
Takpan ito, at palambutin ang gulay sa mababang apoy. Haluin paminsan minsan.
Ilagay ang greenpeas. pag malambot na ang gulay.
Simmer for 15 minutes more, at ang apritadang manok ay handa na.
Kakagutom! Yung sa amin na afritadang manok may liver spread para mas creamy ang sauce. Pero ngayong malakas ang ulan mas masarap humigop ng mainit at masabaw na ulam. Pwede din ang **** Me!^ beef ( di ko talaga pinangalanan kasi di namin sponsor)
Salamat sa comment kabayan 😍
hindi ko nilagyan ng liverspread Dahil bawal sauce amin.
God bless you! Keep on steem !