Para sa konting kaalaman na nais kong ibahagi sa inyo ngayong araw na ito, hayaan po ninyo na talakayin ko ang dalawang esensyal na bahagi ng pangungusap.
Simuno - ang paksa na binubuo ng salita o lipon ng mga salita na siyang tinutukoy sa isang pangungusap. Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na Subject.
Panaguri - binubuo naman ng salita o lipon ng mga salita na naglalarawan, nagsasaad at tumatalakay sa simuno. Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na Predicate.
Nawa'y may naitulong ang munti kong pagtuturo tungkol sa kasanayan at kalinangan sa balarila. At hindi ko na po patatagalin pa, narito ang mga napiling akda na bibigyan natin ng kahalagahan para sa edisyong ito.
Ang aking Kabataan ~ Orihinal na Tula
Isang simpleng tula na naglalarawan ng simpleng kabataan ni @khat.holanda23. Hindi pala talaga mahirap gumawa ng tula. Dahil kapag nabasa mo ang kanyang akda, sasang-ayon ka sa payak na paraan ng paggawa ng iskema gamit ang mga simpleng salita lamang. Kailangan lang na pamilyar ka sa paksa na tatalakayin at mas mainam kung may karanasan ka na o napagdaanan mo na ang iyong paksa na napili. Nagustuhan ko talaga ang kasimplehan nito na may mensaheng nilalaman.
Word Poetry Challenge #11 : "Pagsubok" | My Entry
Normal na sa pang-araw-araw na buhay ng tao ang makaranas ng mga suliranin na siyang susubok sa tibay at tatag ng ating kalooban. Sa tulang ito ni @greatwarrior79 ay ipinapaalala niya sa atin na anumang pagsubok ay kayang harapin kapag sinabayan ng aksyon at pagtitiwala sa Panginoon. Walang solusyon sa problema kundi ang pagharap mo dito nang buong tapang. Huwag takasan o iwasan dahil ito ay dapat mo pagdaanan upang ikaw ay may matutunan.
Word Poetry Challenge #11 : "Pagsubok" | My Entry
Ibang atake naman sa temang "Pagsubok" ang akda ni @blessedsteemer. Nagtatalo sa kanyang isipan ang realisasyon na ang pagsubok ba ay isang sumpa o kaloob sa atin sapagkat tunay nga na mahirap ang pagdadaanan mo. Subalit kakailanganin mo ang mga bagay na ito sa iyong paglalakbay sa agos ng buhay. Marami sa atin ang itinuturing itong kamalasan ngunit sa mga positibong mag-isip, ito ay isang pagpapala at biyaya.
Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :
- Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
- Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
- Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
- Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
- Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 4days old)
Salamat sa pagbabasa, kaibigan! Sa susunod na Lunes, muli ninyong abangan ang mga obrang Filipino na magbibigay-aral, kasiyahan at inspirasyon sa inyong paglalakbay sa Steemit. Ako po ang inyong curator/writer ng tula, maikling-kwento at sanaysay-- si Jampol @johnpd na bumabati ng Magandang Araw! 👋😊
Antabayanan ang iba pang pagtatampok :
DAY | TOPIC | WRITER/CURATOR |
---|---|---|
Sunday | Travel | @rye05 |
Monday | Short Stories & Poetry | @johnpd |
Tuesday | Community Competitions | @romeskie |
Wednesday | Finance | @webcoop |
Thursday | Community Outreach | @escuetapamela |
Friday | Food | @iyanpol12 |
Saturday | Arts & Crafts | @olaivart |
Disclaimer: All post pics from the respected authors’ post.
I will Definately do this Awesome Post and story
Salamat po pag feature ng aking lahok at akdang pilipinong tula. Napakalaking tulong nito sa akin at sa mga gumagawa ng tula. Mabuhay po kayo sir @jampol ang bumubuo ng @steemph.trail! God bless us all!
unang apat na araw palang po ng account ko dito sa steemit, wala pa po ako masyadong alam sa tags, maari ko po bang ipromote dito ang tulang ginawa ko? ito po kasi ang unang tulang ginawa ko sa mahal ko, pasensya na po kung English ang ginamit kung salita para dito^^
https://steemit.com/poetry/@maglerky/a-journey-of-love
sana magustohan nio salamat po^^
Salamat po sa pag feature ng aking simpleng tula na hango po talaga sa aking sariling karanasan 😊