Napakahalaga na huwag mahuli sa trabaho, sapagkat may kaltas na ito sa sahod. Bukod sa may kaltas, may sermon pa kay supervisor. Para lang pumapasok tayo sa iskwelahan, na kapag nahuli tayo sa klase ay tiyak yari na kay sir o kay mam. Kaya naman iniiwasan ko laging mahuli. Mabilis pa'ko palagi sa Alas-Kuwatro. Nakaugalian ko na kasi ang palaging maaga sa kahit saan, 'yong tipong pagtilaok pa ng manok gising na ako. Sakto man ako palagi sa oras, ang importante ay hindi nahuhuli. Ika nga nila "buzzer beater".
Wala namang masama kung palagi kang nahuhuli sa kahit saan, may kasabihan nga tayo na daig ng maagap na tao ang masipag na tao. Masipag ka nga, palagi ka namang wala o nahuhuli. Wala rin silbi ang pagiging masipag mo. Sakto lang ako. Hindi man ako ganoon kasipag ay palagi akong nandito kung sino man ang may kailangan sa akin.
Mas maigi pa rin talaga na maging masipag ka at maging maagap at alerto, sapagkat makikita sa katauhan mo ang pagiging responsable mo sa kahit anong bagay. Oblisgasiyon naman kasi talaga natin na magtrabaho nang maayos at kapakipakinabang. Hindi naman kasi tayo binabayaran para tumanga lang sa trabaho o kaya naman magpapogi lang sa trabaho. Ako man lumagay sa katayuan ng amo ko, tapos ganiyan ang ipinapakita mo ay siyempre maiinis ako.
Hindi ko alam ang pakiramdam nang mahuli sa trabaho o kahit noong ako'y nag-aaral pa. Marami akong pagliban sa klase, sapagkat ako'y natukso na huwag pumasok sa iskwelahan. Sa trabaho naman kapag may sakit lang ako, roon lang ako hindi nakapapasok. Minsan kapag kaya ko pa ay pinipilit ko pa rin, sayang kasi ang araw e. Kailangang-kailangan kasi e. "Pera na naging bato pa". Haha.
Sa totoo lang matagal ang oras kapag ika'y papasok tuwing Ikadalawa ng hapon at uuwi Ikasampu ng gabi. Hindi kagaya ng 6-2 mabilis ang oras, para bang nagtagpo agad ang araw at ang Earth. Kapag 2-10 ang tagal sobra, daig pa ang hinihintay ang kamatayan mo. Kaya naman ako'y nagdadala ng smartphone sa trabaho kahit na alam kong bawal. Pamatay oras lang. Bago naman ako sumulat o kaya naman ay mag-browse ay sinisigurado ko muna na tapos na ang lahat-lahat, para walang aberya o kaya naman ay wala silang masabi sa akin.
Kaya lang talaga kahit saan hindi mawawalan ng sipsip sa trabaho. Palagi na lang nagmamagaling sa trabaho, kapag nakatalikod ka ay titirahin ka, kapag kaharap pa naman ay bahag na bahag ang buntot ng lintek. Sa kadahilanang ako'y pumapatol talaga, hindi ko sila hinahayaan na malaya nilang gawin ang gusto nila sa akin. Sinisita ko sila kaagad-agad. Nang sa gayon ay matakot na agad. Ipakikita ko kaagad ang lakas ng isang libong hukbo haha.
Dalang-dala na iyan, wari nila sa sarili ay para silang nagtampo sa bigas dahil kapag may bumangga sa akin ay wasak. Haha. Hindi naman ako ganoon kasama, syempre kung ang diyos nga kaya magpatawad ako pa kaya na tao lang 'di ba?
Walang mapapala kung sasabihin ng iba ang iisipin. Basta ako hindi galit nila ang iniisip ko, dapat galit ko ang isipin nila haha.
Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq
Thank you kindly.
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.