PINOY HENYO WEEK #17 BUWAN NG WIKA TRIBUTE WINNERS 07/30/2018

in #steemph7 years ago (edited)

nbbeky3lwj.jpg

Bukas ay buwan na ng Agosto kaya naman nais namin na gunitain ang kasaysayan na inilimbag ng dating pangulo na Manuel L. Quezon.

Tuwing araw ng Linggo ay nakipagtatagisan ng talino ang ating mga kalahok. Ngayong linggo ay naging maganda ang labanan sa pagitin ng ating mga kalohok, siyempre mayroong nananalo at mayroong natatalo. May nagbabalik, may lumilisan. Naging masaya naman ang nangyaring tagisan ng talino kagabi. Ang buong akala ko talaga ay mananalo si @czera sapagkat nakauna na siya. Hindi ko inaakalang si boss @iyanpol12 Mapagmahal ang tatanghalin na kampyon ngayon linggo.

Magaganda rin naman ang ipinakita ng mga iba pang kalahok kagaya nila Min-Min, Jampol, at Levi na nagbabalik. Mapait talaga ang tadhana sa mga iba pang mga katunggali ni Iyan Mapagmahal, mantakin mo siya na nga iyong huli nang dumating siya pa iyong nanalo. Siguro iba talaga si boss Iyan Mapagmahal. Sa tingin ko dapat kong ibahin naman ang mga tanong haha kasi kapag luma at mga tao noong dekada 90 ay palaging si Iyan Mapagmahal ang nakasasagot. Marami tuloy ang umaangal na hindi nila kilala ang mga nasabing tao. Gayon pa man ay gagawin ko na lang halo-halo ang mga tanong. Magsasaliksik din ako ng mga tao na bago lang sa industriya ng pag-arte at pagkanta. Para maging patas sa lahat. Humihingi ako ng pasensiya kung halos lahat ng mga tanong ay patungkol noong dekada 90.

qxhdpqsb8u.jpg

  1. Sandara Park
  2. Taiwan
  3. love birds
  4. kintsay
  5. Pia Wurtzbach
  6. Laing
  7. Texas
  8. baul
  9. Pandan
  10. Pandaka Pygmea
  11. Pink
  12. bundok
  13. band aid
  14. eyelash curler
  15. Mark Walhberg

Czera 3 Levi 2 Min-Min 2 Iyan 5 Rome 1 Jampol 2 Suz 0 Blessed 0 Manong 0.

Si Iyan Mapagmahal ay isang alamat sa Pinoy Henyo sapagkat mahigit sampung beses na siya nananalo at higit sa lahat nagtala siya ng; Apat na dikit-dikit na panalo, nagpahinga lang siya ng isang beses pagkatapos ay siya nanaman ang nanalo ngayong linggo. Pagdamutan mo muna sana ang premyo ngayon linggo sapagkat hikaos ako ngayon linggo, kapag may nag-sponsor na lang ulit saka na lang kayo bumawi. Salamat sa mga taong umiintindi. Isang labanan lang nangyari ngayon linggo sapagkat kapos na kapos talaga.

Mangyari lang po sana kung mayroong tao na mabuting loob diyan na gustong maging sponsor ng pinaka-kinaaadikang laro sa discord ang PINOY HENYO ay malugod po naming tatanggapin nang buong puso. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat at mabuhay ang mga Pilipino at ang Buwan ng Wika.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Haha! Okay lang boss kahit na pang-millenial ang tanong at hindi dekada 1990s. Mula 1980s hanggang ngayon, baka may masagot ako. Hehehe

Iibahin ko boss haha. Malalaman natin sa susunod na linggo haha.

Malamang puro fiction yan. Hahaha

Bahagyang anime lang haha. Susubukan ko maging isang murang-kamatis haha

kulelat ako parati but i had a great time sa PH kagabi... salamat sa inyo po !! :D

Galingan mo sa susunod para 2 time winner ka na haha.

wahahhaha okay lang di mananalo basta nag enjoy . :) :) cool kaya

Babangon ako at dududrugin ko sila haha.masaya ako khit di me nanalo hhaha enjoy lang haha

Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.