Pasalamatan muna natin ngayong gabi ang @artguilph at si master @deveerei sa walang sawa na pag-suporta sa "Pinoy Henyo" sa Discord. Ang nanalo po ngayong gabi ay walang iba kung hindi si @pingcess. Maganda naman po ang naging laban kaya lang bumigay ang kaniyang mga kalaban sa bandang huli "corned beef" ang tamang sagot hindi "corn beef" @sheshebaylosis. Simula pa lang ng labanan ay mainit na mainit na ang mga tiga U.A.E. Si manong Oscar ang unang naka sagot pero matagal tagal na ulit siya naka sagot. Si @paluchie at @pingcess ay sagutan ng mga tamang sagot at dahil sa pag-mamahal ng mga tiga U.A.E dumagsa ang mga tao sa Love Radio kanina at halos lahat sa kanila ay bagong sali palang maliban kay @virgo27. Mainit din sina @lhyn at @iamdeth, ang regular natin na si @dearjyoce ay napaka lamang sa dalawang puntos, habang nakapagtala naman ng dalawang puntos si IdolestEST Melai @fotografia101 grabe po ang naging sagot nina Melai @tonie at @iyanpol12 hindi ko lang po babanggitin sapagkaat ang mga nasabing sagot ay ubod po ng lulupit. Madaming tao ang inantok pero ayos lang at masayang masaya ang naging laban ngayong linggo.
Gusto rin pong pasalamatan ang @steemph.uae family sa pag-suporta ng Pinoy Henyo sana ay natanggal namin ang inyong lungkot diyan sa ibayong dagat at pansamantalang napawi namin ang inyong mga dala dalang lungkot at pangungulila sa mga mahal nila sa buhay. Maraming maraming salamat po sa inyo at sa mga bagon sali. Mabuhay po kayo diyan sa ibang bansa.
Ang PINOY HENYO ay itinatag ni @dreamiely sa Discord, bagamat ang nasabing palaro ay ginaya lamang sa isang programa masasabi ko po ito ay mas masaya, nakakaaliw at nakakatangal ng pagod. Pinagtibay po nina @st3llar @luvabi @bearone @devereei at @cloh76 ang Pinoy Henyo sa discord.
- aircon
- pusod
- alikabok
- Deveerei
- bigas
- papel de liha or liha
- Francisco Balagtas or Baltazar
- kaymito
- Jerusalem
- talampunay
- maso
- biskotso
- tinga
- Rhoderick Paulate
- banig
- Kawhi Leonard
- ipis
- bacon
- baril
- polbera
- patotot
- patatas
- agiw
- posporo
- Siddharta Gautama
- Palawan
- tambol
- Mandy Moore
- corned beef
- panga
- kulite
- Lauryn Hill
Manong 2 Deth 2 Paluchie 4 Arrliinn 1 Pingcess 5 Joyce 2 Iyan 1 Virgo 2 Lyn 3 Melai 2 Jemzem 1 Ana 2 She 0 Tonie 0 Romeskie 0 Shula 0 Czera 0 Cradle 0 Blessed 0 Eldean 0 Appleskie 0
Maraming maraming salamat po ulit! Sa pag-suporta sa pinaka kinaaadikan na laro sa discord hanggang sa muli paalam.
May natitira pa lang 0.21 hehe dagdag na next week.
Voice chat lang to sir?! Astig hahaha..
Oo boss. Ako lang nasa voice hehe pero mga kalahok nagty-type hehe ako bali kakampi mo sasabihin ko lang oo hindi at pwede parang sa Eat Bulaga lang hehe. Nasa discord ka na ba ng mga pinoy kung hindi pa sali ka at may pa premyo twing linggo. https://discord.gg/2UghxdN <--pindutin mo lang yan. Para mapunta ka sa chatroom.
salamat po ^_^ next week ulit hehehe
Salamat din at walang ano man. Sa uulitin ulit. Tuwing Linggo 10 Pm dito at 6 Pm diyan xx.
Nicey! Until next week. 😉
Thanks din po mem sana kahit papaano ay mapasaya namin kayo diyan, sa uulitin ulit.
Thank you sir @twotripleow. Kala ko last na yung corned beef kaya nag babye na ko. Haha tawa na naman ako ng tawa. Hahaha
Oo tapos na nga iyon kasi may nanalo na hehe. Sagot sagot din kapag may panahon hehe. Sa uulitin ulit.