Nakakapanghinayang ang mga panahong pinagtagpo tayo ng tadhana
Mga sandaling mga kaluluwa natin ay pinagsama
Binalak kong ligawan ka ngunit ito’y hindi tama
Pinipigilan ang sarili kahit minsan ito’y masakit na
Umasa ako sa tamang panahon
Pinaniniwalaan ng karamihan ngayon
Dumaan man ang maraming taon,
Aking aantayin pa rin ang tamang pagkakataon
Pitong taon at tayo’y nagkita muli
Pinilit kong wag kang tignan ngunit hindi mapakali
Aking mga mata’y pilit kang hinuhuli
Nais mamasdan ang kay tamis mong mga ngiti
Gusto kong ihakbang ang aking mga paa
Gustong pumunta sayo at malapitan ka
Sa pagtitig ko sa iyong mga mata,
Tila iyun na ang araw upang sabihin kong mahal kita
Hindi ko mabuksan ang aking mga labi
Para akong naging pipi na hindi ko mawari
Eto na, aaminin ko na ang kay tagal kong di sinabi
Na mahal kita at di ako nagkakamali
Tinignan mo ako at ngumiti ka sa akin
Tila ang iyong labi ay may gustong sabihin
Ngunit di ko na hinayaang ika’y patapusin
Dahil nakita ko na ang mga anak mong papalapit sa atin
As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Ito na pala ang iyong biglaang tula. Kahit mabilisan, maganda pa rin ang akda at makulay pa rin ang kuwentong naipinta. Mula umpisa dama na talaga ang panghihinayang at pagdating sa dulo - boom, ganu'n na pala ang sitwasyon. Mahusay, manong.
Salamat lodi @jazzhero sa komento at sa ideya na gawing tula na lang ang nadoble kong post. Hehe