Bilang isang Cristiano, dapat ba nating gayahin ang paghihirap ni Cristo?
Ang sabi ng Biblia ay Oo:
1 Pedro 2:21 (SND)
Ito ay sapagkat tinawag kayo sa ganitong bagay. Si Cristo man ay naghirap alang-alang sa atin at nag-iwan sa atin ng halimbawa upang kayo ay sumunod sa kaniyang mga hakbang.
Ngunit paano?
Ang mga unang apostol ay naghirap rin gaya ni Cristo, may pinagpapalo, ipinako sa krus at pinagbubugbog. Ngunit hindi nila ito ginawa sa kanilang sarili, bagkus naging trato sa kanila, dahil di nila itinakwil ang kanilang pananampalataya.
Hindi rin ito para mapatawad ang kanilang mga kasalanan:
Roma 6:23 (TLAB) Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Sa paanong paraan ba masusunod ng isang Cristiano ngayon ang mga hakbang ni Hesus?
1 Pedro 2:23
Nang alipustain siya, hindi siya nang-alipusta. Nang naghirap siya, hindi siya nagbanta. Sa halip, ang kaniyang sarili ay ipinagkatiwala niya sa kaniya na humahatol nang matuwid.