Tagalog-Poetry : " IKAW ANG MUSIKA "

in #tagalog-poetry7 years ago

Ito na ang pinakahihintay ko
Sabay sa pag-ikot ng mundo,
Ay ang pag-ikot nitong plaka,
At saka ipipikit ang mata.

Hindi man makita ng mata,
Ngunit rinig na rinig ng tenga,
Ang natatangi't pinakamaganda,
Ang natatangi kong Musika.

Habang ito'y pinakikinggan,
Damang-dama ko ang sanlibutan,
Para akong nasa kalawakan
Lumilipad, nakatingin sa kailaliman.

Habang ito'y pinakikinggan,
Napapawi ang kalungkutan,
At sakit na sa puso'y naiwan,
Liwanag ang aking natunghayan.

Habang plaka'y paulit-ulit sa pag-ikot,
Puso ko'y patuloy na naglilibot,
Sa wakas ay tumigil, nariyan na pala.
Nariyan ka na pala,
na ikaw pala, ang aking Musika.

Ikaw ang bawat liriko.
Ikaw ang bawat himig nito.
Ikaw ang bawat instrumento.

Ikaw ang bawat liriko.
Ang nilalaman ng awit ng puso,
Ang mensaheng nakapaloob dito,
Ikaw ang aking kwento.

Ikaw ang bawat himig nito-
Ang bawat damdamin,
Ikaw ang laging gustong marinig ko,
Habang nakapikit at dinarama ang sariwang hangin.

Ikaw ang bawat instrumento.
Ang ingay at ang katahimikan,
Ang ingay na hindi magulo,
Ang katahimikang ninanais ng sinuman.

Ikaw ang bawat liriko.
Ikaw ang bawat himig nito.
Ikaw ang bawat instrumento.
Ikaw ang musika ng buhay ko.

music-notes-ring.jpg
Pinagmulan


isinulat ni : @ruelx
06 / 14 / 2018

PicsArt_01-31-09.52.22.png

Sort:  

Isang napakagandang tula pare!

@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!