Ang pagiging isang bandahali ay pagiging isang “katiwala”. Ang kahulugan nang bandahali ay “tagapangasiwa o tagapamahala nang bahay”. Sa wikang inggles, ito ay “steward” o “house manager”. Sa wikang Griyego ay οικονομος (oikonomos) na gayon din ang kahulugan. Diyan nagmula ang salitang “economy”.
Ang pagiging bandahali, katiwala o tagabantay ay pangangalaga sa bahay at sa lahat nang nasa loob nang bahay na ito. Siya ang nakakaalam nang lahat nang nangyayari sa kaniyang pinangasisiwaang bahay. Siya ang nagpapanatili nang kaayusan sa bahay na yaon nang kaniyang panginoon. Hindi siya isang alipin kundi isang “lingkod”.
Sa bansang katagalugan, o sangbahayang katagalugan, ang bandahali ay yaong nangangalaga sa kalikasan nang bahay na yaon. Ang bansang katagalugan ay gaya nang isang bahay o sangbahayan. Ang bandahali ang nangangalaga sa manga tao at ari-ariang nasa bahay na yaon. Siya ang nangangalaga nang kalinangan, panitikan, wika at sulat nang bahay na iyon. Ang dalawa sa mahahalagang bagay na pinangangasiwaan o pinangangalagaan nang isang bandahali ay ang “WIKA” at “SULAT” nang sangbahayang katagalugan, walang iba kundi ang wikang “TAGALOG” at ang sulat o panitik na Tagalog, ang “BAYBAYIN”.
Ang wikang Tagalog ay isa sa napakaraming wikang ipinagkaloob nang Poong Bathala sa ating kapuluan. Ibinigay niya ito upang gamitin sa pakikipagtalastasan nang manga tao sa bansang katagalugan. Kung kaya’t ang wikang Tagalog gaya nang iba pang wika ay banal at itinalaga sa Bathala. Kasama at kagaya nang wikang Tagalog ang panitik o sulat/ surat na ibinigay nang Bathala sa Katagalugan at sa iba pang bansa sa kapuluan. Ang baybayin ang sulat/ surat o panitik na kaloob nang Poong Bathala sa manga Tagalog upang gamitin ito sa pagsusulat nang wikang Tagalog. Gaya nang wikang Tagalog, ito ay banal at itinalaga sa Bathala.
Tayong nangagising ngayon sa katotohanang ito ay ginawaran nang Bathala nang isang sanghaya at karangalang maging manga BANDAHALI NANG BAYBAYIN NANG BATHALA. Bilang bandahali, gaya nang manga tagapangalaga nang kalikasan, sinisikap nating alagaan at panatilihing mabuti ang pagkakatutubo at kalikasan nan gating wika at baybayin. Nangagsisilaban tayo at sumasalansang sa manga nagnanais na babuyin at sirain ang kalikasan. Itinataguyod natin ang TUNAY NA BAYBAYIN na may labingpitong titik at dalawang kudlit. Hindi natin pinahihintulutan ang manga dayuhang mungkahi o panukala na baguhin ang baybayin.
Ang Baybayin ay may labingpitong titik at bawa’t titik nito ay kumakatawan sa kalikasan. Tingnan ang larawang nasa ibaba.
Ang pagmamahal sa Baybayin ay kagaya rin nang pagmamahal sa kalikasan. Dahil ang baybayin ang panitik o sulat nang kalikasan.
Wika nga sa isang awitin: “Di nga masama ang pag-unlad, kung hindi nakakasira nang kalikasan.” Pag-unlad ba nating matatawag ang pagtayuan natin nang manga “malls” at “commercial centers” ang manga kagubatan? Ito ay nangangahulugang papatayin ang manga puno, aalisin doon ang manga hayop at papalitan lahat nang “artificial”. Hindi ba’t labis nang nalalapastangan ang inang kalikasan dahil lang sa pagnanais natin nang tinatawag nating kaunlaran?
Sino ba ang ayaw nang pag-unlad? Sino ba ang ayaw nang pagbabago? May nangagsasabing ang wika raw ay “dynamic” kaya’t gayundin raw ang baybayin. Ito ay nagbabago. Totoo nga na ang wikang Tagalog noon at ngayon ay ibang-iba na. Ang salitang “tao” ngayon ay “tawo” noon. Oo, nagbago na, subalit ang manga panuntunan at patakaran ay hindi pa rin nagbabago. Kung may nagbago man sa tingin ninyo, hindi na iyan ang Tagalog kundi ang wikang Filipino. Iba ang Tagalog sa Filipino, dahil walang titik F ang wikang Tagalog. Sa baybayin na panitik Tagalog ay gayon rin, hindi nagbabago ang manga patakaran at panuntunan nito. Nananatili pa rin itong labingpitong titik kaya nga tinatawag na B17. Ang baybayin ay walang titik RA dahil ang sagisag na ginagamit sa tunog na RA nang wikang Tagalog ay ang sagisag nang RA. Bakit? Sa wikang Tagalog, ang palatitikan ay ito: ang Da ay nagiging RA kapag nasa gitna nang dalawang patinig. Halimbawa.
DAGAT, dagdagan nang KA at ilagay sa unanhan nang DAGAT, ito ay magiging KADAGAT. Dagdagan nang –AN, at ito ay isulatpagkatapos nang KADAGAT, ito ay magiging KADAGATAN. Ang basa na rito ay KARAGATAN. Dahil nasa gitna nang dalawang patinig na “a” ang D, ito ay naging R. Kayat ang KADAGATAN, kahit ito ay isulat na KADAGATAN sa BAYBAYIN ay binabasang KARAGATAN. Kaya iisa lang ang sagisag nang manga tunog na DA at RA nang wikang Tagalog sa panitik na Baybayin.
Kung magkakaroon man nang pagbabago ang Baybayin, ang pagbabagong ito ay hindi pinilit at hindi likha nang manga banyaga. Kung magkakaroon man pagdating nang panahon nang pang-alis patinig (vowel-killer/ virama) ang Baybayin, hindi ito yaong nilikha nang Kastilang si Lopez, ang cruzito/ kurusito o maliit na kurus sa ilalim nang katinig o anumang mungkahi batay sa pag-aaral nang manga dayuhan. Kundi ang pang-alis patinig na gagamitin ay galing pa rin sa ginagamit na manga titik, kudlit at bantas nang Baybayin. Hindi nito dapat nababago ang kalikasan nang Baybayin.
Narito ang manga halimbawa nang manga sulat:
Alin sa manga halimbawang nasa itaas ang TUNAY NA BAYBAYIN? ANG LIKAS NA BAYBAYIN? ANG KATUTUBONG BAYBAYIN?? ANG DALISAY NA BAYBAYIN?
Ang panitik Tagalog na Baybayin ay may kaukulang sagisag sa bawa’t titik Latin nang Abakada o nang ABCD.
Sa aklat ni D. Pedro Andres de Castro na “Ortografia y Reglas de Lengua Tagalog” na nasulat noong taong 1776, ay ibinigay niya ang talungguhitang ito:
Binigyang katumbas niya rito sa Baybayin ang bawa’t karakter o titik nang Abecedariong Kastila.
Sa aking sariling talungguhit ay ganyan rin, may katumbas ang bawat titik natin sa Alpabetong Latin maging sa makabagong Alfabetong Filipino. Ang Makabagong Alfabetong Filipino (New Filipino Alphabet) ay ito:
A B C D E F G H I J K L M N Ñ Ng O P Q R S T U V W X Y Z. Sa talungguhit na ito ay lagyan natin nang patinig na “a” ang bawa’t katinig dahil ang bawa’t titik nang Baybayin ay binubuo nang KaPa o Katinig-Patinig (CV). Walang katumbas sa Baybayin ang Katinig lang na walang Patinig kaya’t hindi ito isinusulat. Ngunit kung may Patinig ito gaya nang “a” ito ay isinusulat.
Dahil may katumbas naman ang bawa’t titik ng Alpabetong Latin sa Baybayin, hindi naman marapat na gumawa pa nang manga bagong sagisag ukol sa manga titik na yun. Maisusulat iyun sa Baybayin na ayon sa bigkas noon.
Ang pagiging isang BANDAHALI NANG BAYBAYIN ay isang malaking karangalang iginawad nang Bathala sa ating manga nagmamalasakit sa wika at panitik Tagalog. Gayon pa man, wika nga sa kasabihan, “With great power, comes great responsibility”. Kaakibat nang dakilang kapangyarihan ang dakilang pananagutan.
Kung gayon, ay hindi madali ang pagiging isang bandahali. Isa itong hamon na malugod kong tinatanggap mula sa Bathala. Malugod nating tanggapin ang hamong ito. Kasama sa tungkuling ito ay pagbibigay halaga sa Baybayin kung kaya’t sinasalansang natin ang anumang pagtatangka na ito ay baguhin o babuyin. Marami ngayon na gumagamit nang manga makabagong mungkahing pinasikat sa internet ang magagalit sa atin at sasabihing tayo ay may “crab mentality” o “kaisipang gaya nang sa manga talangka” na ayaw nang pag-usad at pag-unlad nang iba. Hindi po ganoon ang manga bandahali nang Baybayin. Hindi po tayo humahadlang sa pag-usad o pag-unlad nang ating kapuwa. Ang nais lang natin ay maipakita sa ating manga kapuwa Tagalog at manga kababayan sa kapuluang tagahabagatan lalo na sa manga milenyal at kabataan na mayroon tayong sariling panitik na ginamit nang ating manga ninuno. Kung binago na natin ito o hinayaang baguhin, paano pa natin maipapakita o maipararanas sa kanila na ito nga ang tunay nating panitik? Sa dahilang ito ay kailangan nating panatilihin ang datihang baybayin. Hindi naman tayo hahadlang sa anumang pagbabago na maidaragdag rito. Lamang ay kung ito ay lalabag na sa kabanalan, katangian at kalikasan nang Baybayin ay hindi natin ito papayagan. Ayaw natin na an gating sariling panitik na galling sa Bathala ay mababoy at malapastangan. Nilapastangan na nga ito dati. Huwag na nating hayaang maulit pa.
Sa manga hindi katutubong Tagalog o tagarine sa kapuluan, nahihirapan silang gumamit nang tunay na Baybayin kaya’t nagtangka silang igaya ito sa manga alpabetong makakanluran gaya nang Latin at ginawa nilang baguhin ang katangian nang Baybayin, isang katangiang kakaiba sa lahat nang sulat sa daigdig na ito.
Ang sabat o cruzito (+) na idinagdag ni paring Francisco Lopez sa Baybayin ay ang kudlit na hugis kurus “+” na isinusulat sa ilalim ng titik. Hindi tinanggap nang ating mga ninunong Tagalog ang ganitong pagbabago. Sa kasalukuyan ay marami ang gumagamit ng kudlit na Kastila o kurus na kudlit nang di nababatid ang kasaysayan nito.
Pahayag ni Pedro Andres de Castro tungkol sa manga saloobin nang manga katutubong Tagalog sa pagbabagong hatid ni Lopez noong taong 1776,
“Pagkatapos nilang purihin at pasalamatan ito, nagpasya silang hindi ito magagamit sa kanilang pagsulat dahil laban daw ito sa katangiang ibinigay ng Diyos sa baybayin at sa isang hagupit ay maaaring masira ang palaugnayan, panulaan at palatitikan nang wikang Tagalog….”
“Hindi wasto ang kurus na kudlit sa Baybayin dahil tumataliwas ito sa tunay na katangian at kalikasan na ibinigay nang Bathala sa wikang Tagalog.”
“May sariling katangian ang Baybayin at mahalagang igalang ito upang lubos na matutuhan at magamit na kasinghusay nang manga Tagalog.”
Ang mga iyan ay ilang kahangahangang pahayag mula sa manga banyaga. Nakikita nila ang tunay na katangian nang Baybayin gaya nang katangian nang bawa’t wika at panitik sa daigdig na ito.
Ang pahayag pa nang isang magiting na Mangbabaybay na si Pahusay Kudarat: “Lagi na lang ba tayong mag-a ‘adjust’?” Bakit nga ba ang Baybayin ang susunod sa makabagong Alpabeto? Bakit hindi ang makabagong Alpabeto ang sumunod sa Baybayin?
Ngayon pa lang ay nakikita nating marami na ang tumatangkilik sa panitik na Baybayin kaya’t tayo ay nagagalak. Simula pa lang ito nang ating tungkulin nang pangangalaga sa katangian nang Baybayin at pagsusulong nito.
Mabuhay ang Baybayin! Sulong Baybayin!
Salamat sa patuloy na pagsulong ng Baybayin bilang panitik Tagalog, @apulakansiklab. Mabuhay ang mga Mambabaybay!
Congratulations @apulakansiklab! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard:
Wow! May bago akong natutunan, bandahali!
Congratulations @apulakansiklab! You received a personal award!
You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!