Limang taon na ang nakakalipas, bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang nakikita sa bawat oras na pilit kong kinakalimutan ka. Ganito ba talaga ang tadhana? Mga gabing di namamalayan na inakala kong okay na ang lahat pero sa bawat pagpikit ng aking mata, mga alala ng kahapon ang kusang nagpapakita sa aking gunita. Ilang beses kong binalak na makausap ka, gusto ko lang sana itanong kung kumusta ka na? Marami akong gustong sabihin, marami akong gustong itanong na hanggang ngayon ay di pa rin mahanap hanap ang sagot.
Gusto ko sana simulan ito sa tanong na “Kamusta ka na?” subalit ako ay natatakot. Natatakot na baka bumalik lahat ng ala-ala nating masasaya. Aaminin ko , kay hirap humakbang sa isang panahon na pilit kang hinihila pabalik. Alam mo ba kung ano mas lalong kinatatakot ko? Baka sa tanong kong “Kamusta ka” ay bigyan mo ako ng sagot na ,”Eto, masaya na sa piling ng iba”. Nakakatawa lang kung bakit mapahanggang ngayon hindi ko matanggap tanggap ang nangyari sakin, satin. Ilang beses nating pinagplanuhan ang tatlong supling na ating bubuuin sa takdang oras ng ating pagsasama. Isang masayang pamilya ang lagi lagi nating dinadalangin sa twing kinakausap nating sabay ang Diyos.
Sa pagpikit ng ating mata, hawak ko ang kamay mo habang ikaw ay nakahiga sa balikat ko. Ang relasyon na akala ko’y hanggang sa dulo. Ngunit unti unti itong nasira sa isang kislap na di ko man lang namalayan. Naiwan akong nagiisa, naiwan akong litung-lito na tanging sarili ko na lang ang inaasahan kong makakatulong sa akin. Paano ko lahat malalagpasan lahat ng ito kung dati rati’y ikaw ang kasama ko para labanan lahat ng mga problemang dumarating sakin. Ngayon, ako ay gumigising sa umaga ng wala ka.
Limang taon akong gumigising sa umaga na pilit na kinakalimutan ka. Alam mo? Panalo ka na. Nagtagumpay ka dahil eto na ako ngayon durog na durog. Sa bawat pagtulog ko mayroon pang katanungan na namumuo sa isipan ko, samantalang ikaw, kay himbing ng tulog mo sa balikat ng bagong lakay mo. Pagibig nga naman, mapagbiro, mapaglaro at mapaglinlang.
Kung mayroon lang sana akong pakpak, gusto kong lumipad at pumunta sa isang kalawakan. Hindi upang dahil takasan lahat ng sakit ngunit iyun ang gagawin kong paraan na kung saan pwede kong isigaw at ilabas lahat ng puot at sakit na nakaukit sa puso kong sumisigaw ng tanging ikaw. Aking haharapin ang katotohanan na pilit aking iniiwasan. Walang pagkukunwari, walang pagpapanggap. Pero kailanman alam kong hindi iyun mangyayari, kaya mapa hanggang ngayon ako ay nananalangin na sana dumating ang umaga na magising ako sa katotohanan na kailanma’y di kana magiging akin. Siguro sa panahon na iyun, okay na ang lahat at maramdaman kong pwede na, pwede na pala akong magmahal muli.
Salamat sa pagbabasa.
👏🏻👏🏻👏🏻 Ang ganda naman Manong @oscargabat. 🍻 yung lines, words... parang si idol Lang Leav lang... ka level na
Manang iwas ka ulit . Matamaan ka eh 😂
Ahahhahaha Manong @oscargabat, inosente po ako mayor! 😂🤪 ang ganda kaya ng pagka gawa mo.
Thank you manang. 😊
Welcome Manong @oscargabat 🤗
Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
ang ganda naman.
sulat ka pa uli ng madami:)ay eto nga kapatid, #uloghugot mo
Salamat po Ma’am :)
salamat po sir:) resteem ko sir:)
Wow! Maraming salamat po. 😊